Del Rosario panauhin sa PSA Forum

Pangungunahan ni RP men’s basketball coach Aric del Rosario ang mga panauhin sa PSA Forum sa Manila Pavilion sa linggong ito.

Tatalakayin ni del Rosario ang kampanya ng bansa sa nalalapit sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Vietnam sa Disyembre.

Kasama niya ang mga opisyal ng National Basketball League na sina Tito Palma, San Pablo City Mayor Flo-rante Boy Aquino at Louie Kierulf.

Inimbitahan din sa alas-10:30 ng umagang sesyon na suportado ng Red Bull, Agfa at PAGCOR sina Dennis at Chito Jimenez na tatalakay ng Chess Scholastics Program at ang baseball association leader na si Hector Navasero.

Show comments