Xavier, San Juan nangunguna pa rin

Patuloy sa pagsasalo sa pamumuno ang XAVIER School at San Juan National High matapos magposte ng ikalimang sunod na panalo sa gayong ding dami ng laro sa 2nd San Juan Inter-High School Basketball tournament sa San Juan Gym.

Walang patawad ang defending champion Xavier nang kanilang ilampaso ang Philippine Cheng Kuang High, 107-27 habang pinasadsad naman ng San Juan National High ang bagitong St. John’s Academy, 91-65.

Sa iba pang laban, tinalo ng Florida Institute at Aquinas School ang Tabernacle of Faith Academy, 61-58 at Aquinas School na tinalo ang Roosevelt College, 88-40 ayon sa pagkakasunod upang iangat ang kanilang record sa 3-2 at tumatag sa ikatlong puwesto.

Show comments