"It could come in the road (events) or in mountain bike," ani Lina, chairman ng Air21 na siyang sumusuporta sa pagbabalik ng sikat na Tour Pilipinas, hinggil sa nasabing medalya kung saan siya at ang kanyang team ay umaasa na maibubulsa ito sa 2008 Beijing Olympics.
Ang sinasabing medalya ay posibleng tanso, ayon kay Lina, ngunit dahil sa development sa Europe at US at maging sa ilang bahagi ng Asia na naging extensively scientific at gagastusan, maaaring makopo ang ikatlong puwesto sa Olympics.
Ang pinaka-goal ng Linas Team ay ang hangarin nilang madomina ang cycling sa pagho-host ng bansa sa 23rd Southeast Asian Games sa 2005 at ang posibleng gintong medalya o higit pa sa 2006 Doha (Qatar) Asian Games.