28 atleta mabebenipisyuhan ng proyekto ni FG

Labing-dalawang boksingero, anim na wrestlers, apat na divers, tatlong tracksters at isang judoka ang maagang nabenipisyuhan ng P24 milyon pledges mula sa iba’t ibang private corporations na sumuporta sa Medalyang Ginto, May Laban Tayo! project ni First Gentleman Atty. Mike Arroyo.

Ang nasabing 28 atleta ay inindorso ng kani-kanilang National Sports Association sa Philippine Sports Commission sa pangunguna ng Chairman na si Eric Buhain na naging bahagi sa paglikom ng pondo ng Unang Ginoo para sa kanyang proyekto na layuning mabigyan ang mga Filipino atlhetes ng karagdagang foreign exposures bilang parte ng kani-kanilang buildup para sa nalalapit na Southeast Asian games sa Vietnam.

Kakampanya ang bansa sa Dec. 5-13 sa nasabing Games na gaganapin sa Hanoi at Ho Chi Mhin City sa malaking bilang ng sports partikular na sa 17 discip-lines na inampon ng 18 corpo-rations sa pangunguna ng San Miguel Corp., na nagsimulang magpagulong ng P10 milyon sa ginanap na pledging session na inilunsad ni Atty. Arroyo sa Malacañang noong nakaraang buwan.

Ang boxing ang inaasahang makapagbibigay sa atin ng ginto sa Vietnam games ay binigyan ng dalawang biyahe na hinati sa 12 fighters kung saan sina Lhyven Salazar, Violito Payla, Ferdie Gamo, Anthony Igusguiza, Floren-cio Ferrer, Francis Joven at Maraon Goles ay nakatakdang umalis patungong Mongolia upang lumahok sa Narantuul Cup Amateur Boxing Championships sa Sept. 15-20.

Ang iba pang boxers ay ginarantiyahang mabigyan ng foreign exposures ay sina Bill Vicera, Warlito Parrenas, Genebert Basadre, Esmael Bacongon at Maximo Tabangcora. Sila ay sa-sabak sa pre-SEA Games tournament sa Vietnam sa Oct. 1-7.

Bukod sa mga boxers, sina Melchor Tumasis, Jimmy Angana, Michael Baletin, Marcus Valda, Francis Villanueba at Cristina Villa-nueva ay sasalang naman sa 45-araw na training session sa ilalim ng world class wrestling coaches sa Mongolia sa Sept. 13-Oct. 28.

Ipadadala rin ang apat na divers-Olympian na sina Shiela Mae Perez, Rexel Ryan Fabriga, Jaime Asok at Zardo Domenios sa dalawang buwang training program sa China simula sa susunod na buwan.

Ipapadala naman ang mga track and field athletes na sina Maristella Torres, Dandy Gallenero at Sean Guevarra sa Singapore Open Athletics Championships sa Sept. 5-8, habang ang nag-iisang judoka na si John Baylon ay patu-ngong Japan .

Show comments