^

PSN Palaro

Ginebra talo na naman

-
Humataw sa endgame ang defending champion na Coca-Cola upang igupo ang kanilang sister team na Barangay Ginebra, 86-79 para sa kanilang buwena-manong panalo sa pagbubukas ng quarterfinal round sa Araneta Coliseum, kagabi.

Gumamit ng 15-3 run ang Tigers sa pangunguna ni Rafi Reavis at Jeffrey Cariaso upang makabangon sa 71-74 deficit at iselyo ang panalo.

Inalat ang Ginebra sa huling minuto ng labanan kung saan sila’y nalimitahan sa basket lamang ni Mark Caguioa para sa iskor na 79-82, 1:06 na lamang ang oras sa laro.

Kapwa ipinasok ni Cariaso ang kanyang free-throws mula sa foul ni Eric Menk para ilayo ang Coca-Cola sa 84-79, 27 segundo na lamang ang natitirang oras.

Siniguro ni Hatfield ang kanyang bonus shots para sa panigurong 86-79 kalamangan.

Dahil sa kabiguang ito, hindi na dapat matalo pa ang Ginebra sa kanilang tatlong huling asignatura para manatiling buhay sa susunod na round.

Pinamunuan ni Cariaso ang Tigers sa kanyang naitalang 21 puntos bukod pa sa 7 rebounds, habang tumapos naman si Ato Morano ng may 18 puntos at 17 mula naman kay Hatfield. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

ATO MORANO

BARANGAY GINEBRA

CARIASO

CARMELA V

COCA-COLA

ERIC MENK

GINEBRA

HATFIELD

JEFFREY CARIASO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with