^

PSN Palaro

Fil-Am rookies nagpakitang-gilas

-
Nagpasiklab ang mga rookies nang kanilang pangunahan ang mga side events ng All-Star Game sa Araneta Coliseum kahapon.

Tinanghal na bagong slamdunk king si Brandon Lee Cablay ng Alaska, bagong Three-point king naman si Jimmy Alapag ng Talk 'N Text habang si Rob Johnson naman ng Ginebra ang nanguna sa bagong event na Obstacle Challenge habang ang tambalan naman nina Aries Dimaunahan at Sunday Salvacion ng Ginebra ang naghari sa Two-ball competition.

Inagaw ni Cablay ang slamdunk title kay Joey Mente na kanyang tinalo sa finals, 50-48.

Isang intensibong reverse Tomahawk ang isinagawa ni Cablay para sa kanyang perfect score na tumalo sa 360 one handler ni Mente na siyang naghari sa naturang event noong 2001.

Ipinakita naman ni Alapag ang kanyang pagiging shooter nang umiskor ito ng 18-puntos sa three-point shoot-out upang talunin sina Renren Ritualo ng FedEx at Olsen Racela ng San Miguel Beer.

Tinapos naman ni Johnson ang obstacle course sa loob lamang ng 32 segundo upang talunin si Willie Miller ng Red Bull na inabot ng 40.6 segundo.

Naungusan naman ng isang puntos nina Dimaunahan at Salvacion ang pares nina Danny Ildefonso at Dondon Hontiveros, 67-66.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyan namang naglalaban ang Governors at Commissioners Selection bilang main event kagabi.

Samantala, sinuportahan naman ni Alaska team owner Wilfred Uytengsu ang paninindigan ni PBA Commissioner Noli Eala na tiwala ito sa prosesong ginamit ng PBA para sa drug testing kung saan anim na players ang naging positibo sa mga ipinagbabawal na gamot.

"I support Mr. Eala’s vigilant stand for the process of drug testing," ani Uytengsu. "I think he’s taking the right step toward the right direction of irradicating the use of drug substances."

Sinabi nitong dismayado siya sa ilang teams na kumukuwestiyon sa proseso gayong sila ang nanguna sa pagsu-porta nang imungkahi ang drug testing.

Magpupulong ang PBA board ngayon at ang kanilang main agenda ay tungkol sa apela ng mga teams.

Sa kaugnay na balita, ipinagdiinan nina Ryan Bernardo at physical therapist Kenneth Dichoso na negatibo sila sa paggamit ng ipinagbabawal na droga makaraang sumailalim sa drug test ng apat na beses.

Sina Bernardo at Dichoso ay negatibo sa kanilang pagsusuri na isinagawa sa Medical City, Cardinal Santos, Makati Medical at Asia Pacific Diagnostics Center. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ALL-STAR GAME

ARANETA COLISEUM

ARIES DIMAUNAHAN

ASIA PACIFIC DIAGNOSTICS CENTER

BRANDON LEE CABLAY

CABLAY

CARDINAL SANTOS

CARMELA OCHOA

COMMISSIONER NOLI EALA

COMMISSIONERS SELECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with