PBA, matinding manligaw
February 6, 2003 | 12:00am
Napakatindi manligaw ng mga manonood ngayon ng PBA. Animo'y showbiz tour ang ginagawa, parang dumalaw na mga rock stars ang dating. Dugtong-dugtong ang kanilang mga pakana bago pa man magsimula ang 2003 season.
Nagsimula ang mga aktibidades sa isang photo exhibit na pinamagatang "PBA Show and Tell" na nanggaling na sa SM Manila, at lumipat sa Tutuban kahapon.
Ito'y tutungo sa SM Fairview sa ika-9, Sta.Lucia Mall sa ika-13, at magwawakas sa Farmers sa Cubao sa ika-17.
Liban dito, maraming mga TV at radio guestings na lalahukan ng lahat ng teams. Nakita na ng PBA na kinakailangang pagkaisahan nila ang pag-akit sa mga bagong manonood, dahil marami na sila kasabay sa TV, radyo, Internet at mga pahayagan.
Toka-toka ang mga player na pupunta sa Wave 89.1, K-Lite at DZSR Sports Radio. Matagal na ring hindi nakakapasok sa ABS-CBN ang PBA. Subalit ngayon, sabay-sabay nilang susugurin ang ABS at GMA sa pagpapalawak ng kasabikan ng taong-bayan tungkol sa PBA.
Naririyan ang Martin Late @ Nite, ASAP, SIS, Tell The People Now, Eat Bulaga, ASAP, SOP, Sharon, Morning Girls at iba pang mapapasukang programa.
Nakakapanibago ito para sa karamihan sa mga player, lalo na ang mga rookie, na hindi sanay humarap sa media.
Samantala, dalawang linggo nang nagpapa-audition ang NBN 4 para sa broadcast panel ng PBA. Halos wala silang kukunin sa mga taga-Viva-Vintage, dahil gusto nila, puro bagong mga mukha daw. May training pang gagawin para masiguradong maganda ang kalalabasan.
Ipinagpaliban muna ng NBN-IBC consortium ang tinagurian nilang "parallel broadcast," kung saan iba ang mapapanood sa NBN, iba sa IBC. Malamang gawin ito sa Invitational tournament na gaganapin sa Hulyo.
Sa dinami-dami ng ikinikilos ng Valentinong PBA, sana'y marami ang muling mahulog ang puso sa pinakamatagal nang pro league sa Asya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended