^

PSN Palaro

Blu pinigil ng Regent-Shark

-
CEBU CITY – Pinigil ng Regent-Shark ang atake ng Blu All Puropose sa final na minuto upang pabagsakin ito sa iskor na 72-64 at makopo ang unang semifinals slot ng kasalukuyang PBL--CBF Dual Meet II sa University of San Carlos Gym dito.

Humakot si Ismael Junio ng 15 puntos, ngunit si Mark Magsumbol na nagdagdag ng 10 puntos ang siyang nanguna sa 6-0 run ng Cheeseballs sa huling maiinit na segundo ng labanan upang ihatid ang kanyang koponan sa solong liderato sa 4-1 win-loss slate.

Ang pagkatalong ito ng Detergent Kings ang naghatid sa kanila ng ikatlong pagkatalo, ngunit nananatili pa rin silang humihinga sa kontensiyon. Kailangan nilang manalo kontra sa GMC Tortillos ngayon at sa Montana upang makahugot ng playoff para sa huling semifinals berth.

Sa iba pang laro, sumandig ang GMC Tortillos sa tikas ni Alfie Grijaldo at Johnedel Cardel na kumamada ng 18 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod upang igupo ang Cebuana Lhuillier, 86-82, habang naiposte naman ng Casino Ethyl Alcohol ang kanilang unang panalo sa pamamagitan ng 63-57 pamamayani kontra Skygo Riders.

vuukle comment

ALFIE GRIJALDO

BLU ALL PUROPOSE

CASINO ETHYL ALCOHOL

CEBUANA LHUILLIER

DETERGENT KINGS

DUAL MEET

ISMAEL JUNIO

JOHNEDEL CARDEL

MARK MAGSUMBOL

SKYGO RIDERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with