Kapalit ni Meneses, na nakatakdang sumahod ng maximum salary na P500,000 kada buwan mula sa Airfreight 2100 hanggang sa 2004 ay ang first round pick sa susunod na taon.
Ibinalik lamang ng FedEx ang naturang pick sa Ginebra na kanilang nakuha kapalit ni Eric Menk.
Nakuha ng Ginebra si Menk noong nakaraang taon nang pagmamay-ari pa ng Tanduay ang FedEx franchise kapalit ni Alex Crisano at ng first round pick.
Mainit na ang usapang iti-trade si Meneses dahil matagal na itong hindi naglalaro sa Ginebra sa kasalukuyang PBA Samsung Commissioners Cup.
Inaasahang pupunan ni Meneses ang pangangailangan ng FedEx ng small forward lalo na pagdating sa All Filipino Cup.
Samantala, makalapit sa quarterfinal round ang pakay ng San Miguel Beer at Shell Velocity sa kanilang pagsasagupa ngayon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa PBA Samsung Commissioners Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.
Nakatakdang mag-pang-abot ang Beermen at Turbo Chargers sa pambungad na laban sa ganap na alas-5:05 ng hapon na susundan naman ng engkuwentro ng RP-Selecta at Batang Red Bull sa dakong alas-7:05 ng gabi.
Nakatuon ang atensiyon ngayon sa Shell na siyang pinakamainit na koponan ngayon bukod sa Sta. Lucia Realty dahil sa kanilang taglay na three-game winning streak matapos matalo sa kanilang unang tatlong laro.
Katabla ng Turbo Chargers sa 3-3 record ang SMBeer at Alaska Aces.
Naging malaking tulong sa Shell ang kanilang dalawang masisipag na imports na sina Johnny Johnson at George Banks na siyang inaasa-hang muling kakayod ngayon upang mapahaba ng Turbochargers ang kanilang winning run.
Ngunit tiyak na pinaghandaan naman ng Beermen ang kalaban at ang magiging sentro ng kanilang opensa ay ang kanilang dalawang eks-plosibong imports na sina Art Long at Shea Seals.
Ikatlong sunod na panalo naman ang target ng Red Bull laban sa RP-Selecta na magpapahigpit ng kanilang kapit sa pangkalahatang pa-mumuno sa kanilang kasalukuyang 5-1 win-loss slate.(Ulat ni Carmela V. Ochoa)