^

PSN Palaro

Walker nagbida sa Express

-
Gumana ang maiinit na kamay ni Jermaine Walker sa second half at kinumplementuhan naman ito ng impresibong laro ni Frantz Pierre-Louis upang maihatid ang FedEx Express sa kanilang kauna-unahang panalo laban sa inaalat pa ring Shell Velocity, 93-84 sa pagpapatuloy ng PBA Samsung Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome kahapon.

Matapos malimitahan sa anim na puntos lamang sa first half, huma-taw si Walker sa ikalawang bahagi ng labanan upang magtapos bilang Best Player of the Game sa kanyang produksiyong 35-puntos, 5-rebounds at 4 assists na naging daan para makaahon sa dalawang sunod na pagkatalo at makapasok sa win column.

Humakot naman si Pierre Louis ng 29 puntos bukod pa sa eksplosibong 18-rebounds na lalong nagpahirap sa Turbo Charger na lalong nadiin sa pangungulelat sanhi ng kanilang ikatlong sunod na pagkatalo sa gayon ding dami ng laro.

Walang kinahinatnan ang 30-puntos ni Sedric Webber gayundin ang magandang debut ni Johnny Jackson na tumapos ng 21-puntos bilang kapalit ng injured na si Askia Jones na pinauwi na ng Shell.

Humakot si Walker ng 15-puntos sa ikatlong quarter sa pagsisikap ng Express na tuluyang makalayo sa labanan matapos ang mahig-pitang labanan sa unang dalawang quarters.

Sa ikaapat na canto, kumayod naman si Walker ng 14-puntos kabi-lang ang unang 11-sunod na puntos ng FedEx at ang kanyang ikaanim at huling triple na nagkaloob sa Express ng kanilang pinakamalaking kalamangan na 15 puntos, 85-70 patungo sa huling 2:41 oras ng labanan.

Sa ikalawang laro, nakapasok din sa win column ang San Miguel Beer makaraang igupo ang kapatid na kumpanyang Coca-Cola, 85-73. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

vuukle comment

ASKIA JONES

BEST PLAYER OF THE GAME

CARMELA V

CUNETA ASTRODOME

FRANTZ PIERRE-LOUIS

HUMAKOT

JERMAINE WALKER

JOHNNY JACKSON

PIERRE LOUIS

PUNTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with