^

PSN Palaro

Negros, solo lider na

-
Nagpakatatag ang RCPI Negros sa huling maiinit na bahagi ng labanan upang maungusan ang Casino Cagayan de Oro, 84-83 at masolo ang pangunguna sa MBA First Conference noong Huwebes sa Mindanao Polytechnic Gym.

Ilang ulit na nalubog ang Slashers sa 13 puntos sa unang quarter, subalit nagawa nilang umahon sa likod ng tikas ni Tyrone Bautista at Jose Francisco upang itala ang kanilang ikalimang panalo sa anim na laro at makalapit sa semifinal round ng Southern Conference.

Kailangan ng Amigos na walisin ang kanilang nalalabing huling tatlong asignatura upang patuloy na mabuhay ang kanilang pag-asa na manatili sa kontensiyon.

Nagkaroon ng tsansa ang Amigos na baligtarin ang resulta ng laro, subalit sumablay ang dalawang drives ni Peter Naron na siyang sinamantala naman ng Slashers.

Samantala, maghaharap ang Negros at Davao sa alas-3 ng hapon na susundan ng sagupaan sa pagitan ng Batangas at Cagayan sa Mindanao Polytechnic Gym, habang titipanin naman ng Pangasinan ang Olongapo sa ala-1 ng hapon at magsasagupa ang Cebu at Pampanga sa alas-3:30 na ang aksiyon ay dadako naman sa CEU Centrodome, Malolos, Bulacan.

vuukle comment

BATANGAS

BULACAN

CASINO CAGAYAN

CEBU

FIRST CONFERENCE

JOSE FRANCISCO

MINDANAO POLYTECHNIC GYM

PETER NARON

SOUTHERN CONFERENCE

TYRONE BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with