Ngunit sa isang kondisyon.
Kung hindi magkakasundo ang Philippine Basketball Association at ang MBA ay huhugutin din ito.
Ito ang magandang balita ni PBA Commissioner Jun Bernardino kahapon sa press conference na ginanap sa Westin Philippine Plaza.
"MBA is ammeanable on allowing Adducul to play for the National team. Commissioner (Chito) Loyzaga and I are very much on top of the situation. Its just a matter of financial aspect regarding who is going to shoulder Adduculs contract," ani Bernardino.
Itoy nangangahulugang makakasama na si Adducul sa isa sa dalawang Candidates team, ang RP-Hapee team na sasabak sa season opener Governors Cup na magbubukas sa Pebrero 10 sa Araneta Coliseum.
"Adducul has been allowed to play, under the condition that if negotiations failed, he will be pulled out," dagdag ni Bernardino.
Si Adducul ay tumatanggap ng P500,000 sa kanyang paglalaro sa Batangas sa MBA. Nag-alok ng tulong si FedEx chairman Bert Lina na maaari nilang pasahurin ang naturang player ngunit hanggang P150,000 lamang ang kanilang maitutulong. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)