Christmas Chess Bonanza

Nasa ikaapat na taon na, idaraos ng Ortigas and Company Chess Club ang kanilang annual Greenhills Shopping Center Christmas Chess Bonanza sa Dec. 8 sa Greenhills West, Asso-ciation’s covered court na matatagpuan sa Roosevelt corner Adaros St., San Juan.

Bukas para sa lahat ng untitled chessers para sa lahat ng edad, kasalukuyan nang ginaganap ang patalaan sa 2nd floor ng PCIBank Arcade sa GSC., Complex. Ang interesadong partido ay hanapin lamang si Noemi Tabangco o Lito Concep-cion sa tel. nos. 7210572, 7226795 at 7264487.

Nakataya sa chessfest na ito ang kabuuang P20,000 at tropeo at gift certificates sa mga mananalo.

Mag-uuwi ang tatanghaling kampeon sa isang araw na seven-round Swiss System event ng P5,000 at tatanggap naman ang 2nd hanggang 5th placers ng P4,000; P3,000; P2,000 at P1,000, ayon sa pagkakasunod.

Pagkakalooban naman ang mananalo sa mga sumusunod na kategorya--1900-and below; 1800-and-below, ladies, juniors, veteran at kiddies.

Show comments