^

PSN Palaro

2-1 ang San Miguel sa PBA Commissioner's Cup

-
Nakalapit sa kampeonato ang defending champion San Miguel Beer at ito’y naging madali nang alatin ang Alaska Aces sa first half na naging daan sa 80-74, panalo ng Beermen sa Game Three ng kanilang semifinal series ng PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome, kagabi.

Namintina ng SMBeer ang kanilang naipundar na kalamangan sa second half na nagkaloob sa Beermen ng 2-1 bentahe sa best-of-five semifinal series at ang kanilang tagumpay bukas sa Game Four ay magluluklok sa San Miguel sa unang slot ng finals.

Humataw ang Beermen sa first half nang kanilang iposte ang 23 puntos na kalamangan, 42-19 sa halftime nang pangunahan nina import Nate Johnson, Danny Seigle at Olsen Racela ang 53% o 17-of-32 field goal shooting ng Beermen sa unang dalawang quarter.

Nalimitahan ang Aces sa 18% o 7-of-38 sa first half at 2-of-23 o 9% lamang sa ikalawang quarter kung saan may 8 puntos lamang na naitala ang Aces.

Uminit ang tensiyon sa second half kung saan napatalsik sa laro si Alaska coach Tim Cone, matapos ang dalawang technical fouls na tinanggap nito mula kay referee Ogie Ramos dahil sa kanyang tuloy-tuloy na pagrereklamo, 4:26 ang oras sa ikatlong quarter, 55-31 ang kalamangan ng Beermen.

Nagsimulang maging mainit ang laro nang pinatawan ng technical foul si import Sean Chambers na nakipag-agawan sa bola na naging dahilan ng muntik nilang pag-aaway.

Ang 18 % ng Alaska sa first half ay ang ikalawang pinakamababang field goal shooting percentage sa PBA sumunod sa 10.2% ng Tan-duay.

Imbes na mawalan ng loob sa pagkakatalsik sa laro ni Cone, lalong nagpursige ang Aces ngunit kinapos lamang sa oras ang Alaska na ang tanging nagawa ay maibaba sa 6 puntos ang agwat ng Beermen sa pagtatapos ng laro.

Pinangunahan nina Racela at Seigle ang limang nagtala ng double figures sa paghakot ng tig-15 puntos bawat isa, 14 kay Danny Ildefonso, 13 kay Johnson at 10 puntos naman kay Dorian Peña upang lukuban ang 26 at 15 puntos nina Kenneth Duremdes at Ali Peek, ayon sa pagkakasunod para sa Alaska.

ALASKA ACES

ALI PEEK

BEERMEN

CUNETA ASTRODOME

DANNY ILDEFONSO

DANNY SEIGLE

DORIAN PE

GAME FOUR

GAME THREE

KENNETH DUREMDES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with