^

PSN Palaro

Gilas tambak sa Boomers

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa pagsisi­mula lamang ng first quarter lumaban ang Gilas Pilipinas bago tulu­yang su­muko sa host Australia, 49-92, sa pagtiklop ng first round ng third window ng FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers kahapon sa RAC Arena sa Perth.

Naglaro na wala si injured naturalized player Justin Brownlee, laglag ang Gilas sa ikaapat na sunod na kamalasan matapos magtala ng 2-0 panimula sa qualifiers.

Ito ang ikalawang dikit na panalo ng mga Boo­mers kontra sa Nationals mula sa 93-66 desisyon sa second window noong Marso 1 sa MOA Arena sa Pasay City.

Matapos ang three-point shot ni Kevin Quiambao na nagtabla sa World No. 36 Pilipinas sa 8-8 ay isang 16-0 bomba ang inihulog ng World No. 6 Australia para ilista ang 24-8 bentahe.

Mula rito ay hindi na binitawan ng mga Boo­mers ang kanilang kalama­ngan.

Hulog ang tropa ni coach Tim Cone sa 2-4 record sa Group A kasama ang 102-106 double overtime loss sa New Zealand Tall Blacks sa Auckland.

Samantala, nirapido ng New Zealand ang sibak nang Guam, 129-75, tampok ang 27 points ni Sam Mennenga.

Tiyak na sa second round, dadalhin ng Pilipinas (2-4), Australia (6-0) at New Zealand (4-2) ang kanilang kartada sa susunod na yugto sa Agosto, habang sibak na ang Guam (0-6).

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with