PYBL 2001 Title Cup sa Makati Coliseum

Nangako ang Philippine Youth Basketball League na magiging mas kasiya-siya ang kanilang ikalawang season at magiging mahigpit ang labanan dahil sa mas maraming bata at mahuhusay na manlalaro ang kasali ngayon na mag-aagawan para sa korona ng 1st Crystal Spring PYBL 2001 Title Cup sa Sabado sa Makati Coliseum.

At dahil sa naging matagumpay na debut ng Crystal Spring na binabanderahan ng mga manlalaro mula sa Las Piñas College sa unang season, nagdesisyon sila na maging title sponsors sa ikalawang season na ito.

Walong koponan na kinabibilangan ng defending champion Boysen-MLQU ang nagkumpirma ng kanilang paglahok para sa korona. Ang iba ay ang University of Assumption, Spring Cooking Oil, Gringo Express-Konica at baguhang National University, University of the Philippines, Regent Cheeseballs at Whiz Super Oil Treatment na magsisilbing malaking banta para sa MLQU sa kanilang kampanya sa pagpapanatili ng korona.

Show comments