^

PSN Palaro

Maraming malalaking cagers ang kasali sa 2001 PBA Draft

-
Ang malalaking tao ay parating na!

Ito’y matapos na magdesisyon sina Homer Se at Ricky Calimag, ang dalawang malalaking sentro na sumali na rin sa nalalapit na Draft ng Philippine Basketball Association na nakatakda sa Enero 14, 2001 sa Glorietta Recreation Center sa Makati City.

Ang 6-6 slotman mula sa Cebu Gems sa Metropolitan Basketball Association na si Se ay target ng Barangay Ginebra na ikatlong pipili sa Draft. At dahil sa aktibo sa pagi-scout ang guro ng Gin Kings na si Allan Caidic sa mga manlalaro mula sa Philippine Basketball League at sa MBA, ito ay humanga sa mga natanggap na ulat hinggil sa batang cager.

Isang taon lamang nakapaglaro si Se sa college basketball para sa San Sebastian College sa National Collegiate Athletic Association bago siya sumapi sa Gems noong nakaraang taon. Siya ay nakatakdang magdiwang ng kanyang ika-23 kaara-wan sa Mayo 15.

Sa kabila nito, naging mabilis naman ang landas na tinahak ng 6-5 center-power forward na si Calimag ng ito ay mag-desisyon na magbigay daan sa kanyang eligibility sa NCAA kung saan siya ay naglalaro naman sa koponan ng San Beda Red Lions. Si Calimag ay hinugot ng Montana Jewelers sa pagsisimula lamang ng PBL Challenge Cup.

Matapos na maging leading scorer at rebounder ng Jewelers sa first half pa lamang ng elimination round, maraming mga nagi-scout ang kumbinsido sa husay ni Calimag.

Isa na rito ang koponan ng Shell Velocity at assistant coach na si Joey Guanio na maliwanag na humahanga sa mga galaw at potential ni Calimag.

Bagamat hindi pa niya natatapos ang kanyang unang kumperensiya sa PBL, nakakuha na si Calimag ng permiso kay Montana coach Leo Isaac at Comissioner Chino Trinidad hinggil sa kanyang pagsali sa PBA Draft. Siya ay nakatakdang magdiwang ng ika-23 kaarawan sa buwan ng Enero 10.

"PBL players have up to December 28 to secure their release from the league. Calimag has approached me and signified his intentions to turn pro. I won’t stop him but I told him to sleep on it first and come up with a final decision after Christmas day," wika ni Trinidad.

Sa ngayon, aabot sa 18 manlalaro mula sa PBL ang nakakuha na ng kanilang release papers mula sa liga. Nangunguna sa listahan ang PBL Chairman’s Cup Most Valuable Player Roger Yap at Shark teammates Michael Robinson at Edgar Echavez.

Bukod kina Se, ang dalawang iba pang malalaking tao sa MBA nakumbinse ng PBA teams na sumali na rin sa Draft ay sina Negros Slashers John Ferriols at Manila Metrostars’ Romel Adducul. Sa dalawa, si Ferriols ay eentra sa Draft, habang si Adducul ay kailangan pang maghintay sa dahilang mayroon pa siyang live contract na natitira sa Metrostars.

At sa ilalim ng PBA rules, tanging mga manlalaro na walang legal impediments o liabilities ang siyang papayagan na makapag-apply sa Draft.

ALLAN CAIDIC

BARANGAY GINEBRA

CALIMAG

CEBU GEMS

CHALLENGE CUP

COMISSIONER CHINO TRINIDAD

CUP MOST VALUABLE PLAYER ROGER YAP

EDGAR ECHAVEZ

ENERO

GIN KINGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with