Best picture
Kung sumali lang sa Metro Manila Film Festival, pumatok sa takilya ang PBA Commissioner’s Cup.
Pumila ang tao. Ubos ang tickets.
Ginebra vs TNT, ang defending champion. Partida na, nawala si Bol Bol.
Pero tinao pa rin. Akala mo, “Shake Rattle and Roll” or “Enteng Kabisote.”
Sa Game 1 pa lang ng best-of-seven series, dumagsa na ang 11,447 fans. At sa Game 2, 11,510 ang dumating.
Parang ping-pong ang laban. Nagpalitan hanggang matapos sa Game 7 na pinanalo ng Ginebra.
Sa Game 3, halos umapaw ang 18,823 fans at nasundan ng 16,823 sa Game 4 at 18,039 sa Game 5.
Ayaw paawat at sa Game 6, kung saan tinabla ng TNT ang serye sa 3-3, dumagsa ang 22,731 fans.
Kaya ang Game 7, all-time attendance record sa PBA ang 24,617.
Miyerkules pa ‘yun. Kung naging Linggo, baka umabot ng Macapagal Blvd. ang pila.
Ang dinig ko, umabot ng P8,000 ang bentahan ng ticket sa black market.
Nag-champion ang Ginebra pero big winner din ang PBA. Very happy si Super Commissioner Willie Marcial.
Kung Film Fest ito, Best Picture ang PBA.
- Latest



















