^

PSN Palaro

PBA Awards Night sa Linggo

-
Idaraos sa Linggo ang Annual Awards night ng Philippine Basketball Association para sa mahuhusay na individual performers ng season bago ganapin ang Game Four ng Governors Cup Finals sa Araneta Coliseum.

Mahigpit na pinaglalabanan nina Danny Ildefonso ng San Miguel at Kenneth Duremdes ng Alaska Aces para sa pinakamaningning na karangalan ang Most Valuable Player trophy na siyang magpapatunay ng kahusayan ng isang manlalaro sa season na ito.

Naglalaban naman sina Davonn Harp, Mick Pennisi at Jimwell Torion ng Red Bull at Paolo Mendoza, ang No. 1 pick sa amateur pool ngayong taon para sa Rookie of the Year award.

Ang iba pang karangalan gaya ng miyembro ng Mythical Team at Most Improved Player ay ipamimigay rin.

Samantala, mayroon na lamang pagkakataon ang mga aspiranteng manlalaro na naghahangad na makasama sa liga sa susunod na taon hanggang Enero 2, 2001 upang mag-file ng kani-kanilang aplikasyon para sa annual Rookie Draft na nakatakda sa Enero 14.

Kailangan ng isang aplikante na matugunan ang isa sa kinakailangang mga requirements upang maging eligible na mapasama sa PBA.

Ito’y ang mga sumusunod:

1. Ang manlalaro ay kailangan nasa edad 23 bago sumapit ang Hun-yo 30, 2001.

2.Nakapagtapos ng high school sa taong 1997 o mas maaga pa.

3.Mayroong bachelor’s degree na nanggaling mula sa isang institusyon na kinikilala ng Department of Education, Culture and Sports.

Ganito rin ang mga alituntunin na iaapply sa mga Fil-foreign players na naghahangad ng kanilang suwerte sa PBA, gayunman, kailangan nilang makapagsumite ng confirmation ng kani-kanilang Filipino citizenship mula sa Department of Justice bago sumapit ang nasabing deadline ng pag-file ng mga aplikasyon.

Ang mga manlalaro na magmumula sa MBA ay kailangang sumali din sa draft at di na kailangang magbigay ng ilang requirements na nabanggit kung sila ay pawang mga homegrown talents.

ALASKA ACES

ANNUAL AWARDS

ARANETA COLISEUM

CULTURE AND SPORTS

DANNY ILDEFONSO

DAVONN HARP

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF JUSTICE

ENERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with