^

PSN Palaro

Parrenas umiskor ng panalo sa World junior boxing

-
Maningning na binuksan ni Warlito Parrenas ang kampanya ng bansa sa pamamagitan ng kumbinsidong tagumpay sa light flyweight division ng XI World Juniors Amateur Boxing Championships sa Round Hall dito.

Binigyan ng 17-anyos na si Parrenas mula sa Cadiz City ng kumbinas-yon sa second at third round ang kanyang kalban na si Kadri Kordel ng Turkey upang itala ang 8-5 panalo.

"Inunahan ko na! Magaling rin pero siguro, mas determinado lang akong manalo," wika ni Parrenas.

Ang panalo ni Parrenas ay nagsalba sa kabiguan ni lightweight Florencio Ferrer sa isang mahigpitang laban kontra Dimitrius Adamopoulus ng Greece, 1-5.

Nakipagsabayan ng ngipin-sa-ngipin ang 17-anyos na si Ferrer mula sa Bago City sa kalabang si Adamopoulus kung saan ang Greek ay nabigyan ng standing eight count sa fourth at final round, ngunit nabigo itong bigyan ng puntos ng lahat ng mga European judges.

"Hindi ko maintindihan. Tumatama naman ako pero wala pa ring score," himutok ni Ferrer matapos ang kanyang laban.

Sinamantala naman ng local boy na si Zsolt Zupka ang walang karanasang si light middleweight Maximino Tabangcora nang kanyang bugbugin ang Filipinos sa 20-2.

Nakatakda naman magpakita ng aksiyon ang iba pang nalalabing Pinoy pug na ipinadala rito ng Philippine Sports Commission, Amateur Boxing Association of the Philippines, Adidas at Pacific Heights sa Martes at Miyerkules.

Haharapin ni flyweight Vincent Palicte ng Bago City ang Latvia’s na si Anton Berjczons sa Martes, habang sasagupain naman ni feather Junard Ladon na nakakuha ng first round bye si Som Bahadur Pun ng India sa Miyerkules.

Makakalaban naman ni Parrenas si Berik Serikbajev ng Kazakhstan na nanalo kontra USA’s Cesar Lopez sa Miyerkules.

vuukle comment

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ANTON BERJCZONS

BAGO CITY

BERIK SERIKBAJEV

CADIZ CITY

CESAR LOPEZ

DIMITRIUS ADAMOPOULUS

FLORENCIO FERRER

MIYERKULES

PARRENAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with