^

Punto Mo

Training sa riders, iginiit

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

AKSIDENTENG kinasasangkutan ng motorsiklo ang siya pa ring nangungunang naitatalang mga trahedya sa lansangan.

Sa datos na inilabas ng Land Transportation Office (LTO) noong Dec. 2021,  humigit-kumulahg sa 8.1 milyong motorsiklo ang nakikisabayan sa mga lansangan.

Tumaas pa ito sa nakalipas na ilang taon.

Sa nabanggit din na taon umaabot sa 22,964 motorcycle accidents ang naitala sa Metro Manila pa lamang.

Mataas din ang bilang ng naitalang nasawi dahil sa naturang mga aksidente.

Dahil nga rito, nakikita ang pangangailangan para sa pagsasanay sa mga motorcycle riders.

Nais ni Sen. JV Ejecito na bubuhayin ang kanyang panukalang batas para sa mandatory training ng mga motorcycle riders.

Pinuna ng senador ang dumaraming mga ‘kamote’ na nagmo-motor.

Iyan daw yung makukulit at mistulang nangangarera lagi. Magulo sa kalye. Kahit masikip, ipipilit na sumingit.

Bukod pa nga dyan, marami pa rin ang hindi sumusunod sa mga batas patungkol sa motorsiklo, tulad na lamang ng pagsususot ng helmet.

Maging ang pag-angkas sa mga paslit, patuloy pa ring nasusumpungan.

Naniniwala ang senador na maiiwasan o mababawasan ang ilang aksidente sa lansangan kung maipapatupad ang mandatory training bago makabili ng motorsiklo ang isang indibiduwal.

Sa ilalim ng panukala dapat ay may certificate para sa basic training at riding skill bago ka makabili ng motorsiklo.

Anut-anuman, kailangan talaga ang disiplina sa lansangan na dapat na pairalin hindi lamang ng mga  riders kundi ng iba pang uri ng motorista.

Hindi lamang ang kanilang buhay ang kanilang napapangalagaan kundi maging ang kanilang mga kasabayan sa daan.

 

vuukle comment

LAND TRANSPORTATION OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with