^

PSN Palaro

Eala mapapalaban agad kay Zheng sa Mubadala

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala mapapalaban agad kay Zheng sa Mubadala
Alex Eala.
Kirill Kudryavtsev / AFP

MANILA, Philippines — Mapapalaban agad si Alex Eala kay Olympic champion Zheng Qinwen sa first round Mubadala DC Open.

Ito ang resulta ng idinaos na draw na inilabas kahapon.

Si Zheng ay ang kasalukuyang World No. 123 seed, ngunit nakarating sa career-high ranking na World No. 4.

Nauna nang nanalo ang 23-anyos na Chinese netter ng limang WTA titles at umentra sa finals ng Australian Open noong 2024.

Si Zheng ang tumalo kay Eala sa semifinals ng Asian Games noong 2023 sa Hangzhou, China.

Naitakas ni Zheng ang pahirapang 6–1, 6–7 (5), 6–3 panalo laban kay Eala.

Kaya naman desidido si Eala na makabawi kay Zheng sa oras na magkrus ang kanilang landas.

Ito ang unang pagkaka­taon na maghaharap sina Eala at Zheng sapul noong 2023 Asian Games.

Malaki na ang ipinagbago ng laro ni Eala kaya’t malaki ang tsansang ma­isa­katuparan nito ang ma­tamis na pagresbak sa Chinese netter.

Samantala, hindi masisilayan ang tambalan nina Eala at dating Grand Slam champion Venus Williams sa doubles.

Sa inilabas na draw, wala si Eala sa doubles event.

Sa halip, makakasama ni Williams sa kanyang doubles si Diana Shnaider.

Wala pang linaw sa tunay na dahilan ng pagbabago ng pares sa doubles.

Nauna nang inihayag ng Mubadala organizers na magsasama sina Eala at Williams sa doubles bilang wild card entry.

Nakapag-ensayo pa na magkasama sina Eala at Williams noong isang araw.

Kaya naman nagulat ang lahat na hindi na magkapatner sina Eala at Williams sa doubles.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with