^

PSN Palaro

Generals palalakasin ang tsansa sa Final 4 vs Lions

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Generals palalakasin ang tsansa sa Final 4 vs Lions
Lalarga ang duwelo ng Red Lions at Generals sa alas-4 ng hapon habang aarangkada ang bakbakan ng San Sebastian College-Recoletos at Jose Rizal University sa pambungad na laro sa alas-2.

MANILA, Philippines — Patatatagin ng nagdedepensang San Beda University ang kapit nito sa No. 2 spot sa pakikipagtipan sa Emilio Aguinaldo College sa pagpapatuloy ng NCAA Season 94 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Lalarga ang duwelo ng Red Lions at Generals sa alas-4 ng hapon habang aarangkada ang bakbakan ng San Sebastian College-Recoletos at Jose Rizal University sa pambungad na laro sa alas-2.

Galing ang San Beda sa 74-68 panalo laban sa   Letran upang umangat sa 11-1 baraha at manatiling nakadikit sa nangungunang Lyceum of the Philippines na may imakuladang 12-0 marka.

Paborito ang Red Lions kontra Generals matapos kubrahin ang 61-46 panalo sa kanilang unang pagtatagpo sa first round noong Hulyo 31.

Nais ni Cameroonian Donald Tankoua na masundan ang 19-point performance sa kanilang panalo laban sa Letran.

Hawak ni Tankoua ang averages na 12.8 points at 9.2 rebounds kada laro.

Sa kabilang banda, gigil na makabangon ang Generals mula sa limang sunod na kabiguan para mapaganda ang kanilang aandap-andap na kam­panya bitbit ang 2-9 rekord.

Kukuha ng lakas ang Generals mula kay Came­roonian Hamadou Laminou kasama sina Francis Munsayac at Sidney Onwubere.

Hangad naman ng San Sebastian ang ikatlong sunod na panalo.

Nasa ilalim naman ang Heavy Bombers na may 2-10 baraha.

vuukle comment

SAN BEDA UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with