^

Punto Mo

Maid of Honor (76)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“PAANO mo nalaman ang Dona Celia KTV, Bro?’’ tanong ni Honor kay Rocky habang patungo sa bagong KTV.

“Sa mga ka-officemate ko. Nagkukuwentuhan sila. Marami raw dancers at mga bata pa. Mga disiotso lang daw.’’

“Sana naroon si Inah.”

“Sana nga naroon dahil ayaw ko nang maghanap. Ipaubaya na lang natin sa PNP at NBI ang paghahanap kay Inah.’’

“Sige Bro. Ako man ay napapagod na rin. Hindi ko na kayang isa-isahin ang mga KTV sa Metro Manila. Para tayong naghahanap ng karayom sa damuhan.’’

“Tama ka Pareng Honor.’’

“Sana makita na natin siya sa Dona Celia. Sana ito na ang last na KTV na papasukin natin.’’

“Harinawa, Bro.’’

Maya-maya pumapasok na sila sa Mabini St. Hanggang tumigil sila  sa tapat ng DONA CELIA. Maliwanag ang signage. Bago ang KTV.

Pumasok sila sa loob. Nakakita sila ng bakanteng mesa. Naupo sila. Lumapit ang waiter at tinanong kung anong order nila.

“Dalawang boteng beer at crispy sisig,’’ sabi ni Rocky.

“Bro, parang kinakabahan ako,’’ sabi ni Honor.

“Bakit?’’

“Hindi ko maintindihan.’’

“Uminom ka para mawala.’’

Tumungga sila.

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with