^

Punto Mo

Babae, pinatay ang kanyang kamukha para pekein ang kanyang pagkamatay!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa Germany ang inaresto matapos nitong patayin ang kanyang kamukha para magpanggap na siya ay namatay na!

Ayon sa German police, pinatay ng 23-anyos na si Sharaban K. ang 23-anyos na beauty vlogger na si Khadidja O. sa Ingolstadt, Germany noong Agosto 2022.

Pinagsasaksak nang mahigit 50 beses si Khadidja at iniwan ang kanyang katawan sa sasakyan na pagmamay-ari ni Sharaban. Matapos ang krimen, nagtago na si Sharaban kasama ang kasabwat at boyfriend nito na si Sheqir K.

Sa pag-iimbestiga ng mga awtoridad, inakala nila na ang bangkay at ang may-ari ng sasakyan kung saan ito natagpuan ay iisang tao lamang.

Ngunit sa tulong ng autopsy report, natuklasan ng mga awtoridad na ang bangkay ay si Khadidja. Dahil dito, naglunsad nang malawakang imbestigasyon na tinawag ng German media bilang “The Doppelganger Murder”.

Na-trace ng mga awtoridad si Sharaban at ang boyfriend nito at naaresto. Sa pag-iim­bestiga sa social media activities ni Sharaban, napag-alaman na kinakaibigan nito ang mga babaing nakikita niyang kamukha sa Instagram. Nangangako na magreregalo si Sharaban ng beauty products kapag pumayag na makipag-meetup sa kanya. Ang tanging napapayag niya na makipagkita sa kanya ay si Khadidja.

Nito lamang nakaraang linggo, kinasuhan ng murder si Sharaban at ang boyfriend nito na si Sheqir. Sa kasalukuyan, nililitis pa ang kaso at kung mahatulan sila ng guilty, panghabangbuhay silang makukulong.

 

 

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with