^

Pang Movies

Pelikulang bastusan ipinalabas na walang rating, producer at sinehan, ipinatawag ng MTRCB!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Pelikulang bastusan ipinalabas na walang rating, producer at sinehan, ipinatawag ng MTRCB!           
Lala

Pag ba ang isang pelikula, na sinasabing para lang sa internet streaming at hindi dumaan sa classification ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Baord), maaari ring ipalabas sa sinehan kung may special screening? Palagay namin iyan ang dapat linawin sa batas, at dapat ding linawin ni MTRCB Chairman Lala Sotto.

Kasi kung ang isang pelikula, sabihin mo mang para sa internet lang, pero inilabas sa sinehan kahit na special screening pa iyan, hindi ba kailangang may permiso ang MTRCB dahil kung hindi mananagot ang sinehan.

Nasa batas na ang lahat ng mga pelikulang ilalabas sa sinehan, pati na ang trailers, at advertisements ay dapat na dumaan sa classification ng MTRCB, at ang commercials sa AdBoard.

Sino ang mananagot kung may pelikulang lumabas sa isang special screening nang walang classification, ang producer ba ng pelikula na nagpalabas noon o ang sinehan na nagpalabas?

Ibang usapan kung iyan ay inilabas sa ilang “special cinema,” kagaya halimbawa sa UP Film Center na hindi kailangan ang MTRCB classification, pero sa isang komersiyal na sinehan, teka mukhang may violation na yata iyan.

Natawag kasi ang aming pansin ng pelikulang Mang Kanor na inilabas sa isang sinehan at nagkaroon ng “premiere screening.” Iyon lang salitang “premiere screening” ang ibig sabihin niyan ay public exhibition. Kahit hindi ka maningil ng bayad, “public exhibition” pa rin iyan, pero ipinagmamalaki pa nila na hindi sila dumaan sa MTRCB.

Hindi ba iyan ay maliwanag na labag sa batas?

Kahit na nga ang internet screening eh. Hindi iyan privileged communications, dahil open ‘yan sa publiko at nagbabayad ang nanonood sa kanila. Ibig sabihin ang ginagawa nila ay “commercial distribution” na kung iisipin dapat dumaan din sa MTRCB, dangan nga lang at noong ginawa ang batas, wala pang video screening.

Pero maliwanag ang “public exhibition” o “commercial distribution” ang naganap.

Trailer nga lang eh, basta inilabas ninyo sa social media, “public exhibition” na iyan at ibig sabihin dapat may classification iyan ng MTRCB.

Ngayon kung igigiit nilang hindi sila sakop ng MTRCB nang magkaroon sila ng commercial exhibition sa Gateway Cinema,  bastusan na nga ‘yan.

Naglabas na ng summons ang MTRCB sa producers at sinehan pinaglabasan ng pelikulang Mang Kanor dahil sa unauthorized public exhibition nito kung saan may nilabas silang batas.

“For exhibiting the motion picture, “Mang Kanor” at Gateway Cineplex, Gateway Mall, Quezon City, without the required MTRCB Permit to Exhibit, in violation of Section 1, Chapter V of PD No. 1986 and its IRR in relation to Section 3 of PD No. 1986; and, exhibiting unapproved publicity materials for the aforesaid motion picture were likewise exhibited in violation of Section 5, Chapter V of the same IRR,” bahagi ng nasabing memo ng MTRCB headed by Chair Lala Sotto.

vuukle comment

MTRCB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with