^

PSN Showbiz

Mika, pagod nang masaktan!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Mika, pagod nang masaktan!
Will at Mika

Patuloy ang magandang turingan nina Mika Salamanca at Will Ashley. Ka­ma­kailan ay inamin ng Kapuso actor sa publiko na nililigawan pa rin niya ang dalaga. Opisyal na kayang magkasintahan ang dalawa ngayon? “Hindi pa, hinihintay ko, siguro ‘yung ibibigay sa akin na go signal ng Panginoon. Kasi mararamdaman mo po ‘yon,” sagot ni Mika.

Hindi umano minamadali ng aktres kung saan man tutungo ang kanilang maayos na samahan ni Will.

Gusto kasi ni Mika na ang magi­ging nobyo na ang kanyang mapapangasawa balang araw. “Siyempre tumatanda na tayo. Ang next na magiging ka-partner ko, gusto ko, siya na. Kasi pagod na po ako, pagod na akong masaktan. Pagod na akong mag-fail,” giit ng dalaga.

Magkatrabaho ngayon sina Will at Mika sa Delivery Boi. May bulung-bulungan na talagang sweet ang dalawa sa likod ng kamera sa naturang GMA series.

Ipinagdarasal daw ni Mika na makilala ang lalaking kanyang gustong makasama sa habambuhay. “Kaya pinapanalangin ko talaga sa Panginoon, ‘Kung may ibibigay ka Panginoon na next na tao sa akin, ibigay Mo na ‘yung tama. Ibigay Mo na ‘yung talagang makakasama ko,” pagtatapos ng aktres.

Lovi, ayaw pabayaan ang sarili

Isang taong gulang na ngayon ang anak nina Lovi Poe at Monty Blencowe na si Sloane.

Mula nang naging isang ganap na ina ay talagang ini-enjoy raw ng aktres ang bawat panahon na kasama ang supling. “Ang bilis ng time. She is already saying so many things, walking already. I try to savor everything, but you can’t savor enough. It is so nice seeing her growing up. But at the same time, I want to keep this side of her,” bungad ni Lovi.

Kahit abala sa kabi-kabilang trabaho ay sinisikap ng aktres na maalagaan pa rin ang anak nila ng mister. “Under a year I fi­nished two movies and one TV series. I went back to work agad. I did a film, Ignition with Macy Williams. I did that, four months post-partum. A series we shot in Korea, and isa secret pa. Something to look forward to,” pagdedetalye niya.

Mahalaga para kay Lovi na maalagaan pa rin ang sarili kahit abala sa mga trabaho at sa sariling pamilya.

Kamakailan ay nailunsad ng aktres ng The Art of You. Talagang tinutukan ni Lovi ang formulation ng naturang cosmetic products. “’Yung make-up artists friends ko, talagang we test it. Ang daming back and forth. It was good enough but still wasn’t the best. Ang dami changes naming ginawa. Sa totoo lang it was two years in the making. I got pregnant, gave birth. As a new mom I was breastfeeding sa left then fixing on the right to meet the deadlines.

“Sa totoo lang things are different now. I don’t wake up like this. When I have special moments bumabawi ako to enjoy this side with me. Being a mom, it’s nice to give that self-fulfillment and build confidence on a daily basis,” pagbabahagi ng aktres. (Reports from JCC)

MIKA SALAMANCA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with