DongYan, may sign ang pagpunta sa Canada!

Tulad ng marami, natatakot din ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na mabura ang kanilang memorya ‘pag matanda na sila.
Kasabay ito ng grand media conference ng reunion project nilang Remember na ang lakas makaluha sa trailer pa lang.
“‘Yun ang talagang isa sa kinatatakutan namin. Kaya nga mahalaga na kapag may milestone ka, o kahit hindi milestone, ramdamin mo talaga lahat ‘yung nangyari. Kasi naniniwala ako na hindi mo man maalala lahat, but if you encounter that person, you will remember the feeling. And if you remember the feeling, biglang... mas powerful ‘yan, eh, mas maalala mo bigla ang mga nangyari noong panahon na `yon,” pahayag ni Dingdong.
Ayon naman kay Marian: “Ako talaga natatakot. Kasi ito ‘yung memory na hindi talaga maagaw ng kahit na sino man, eh. Itong memory na ito, na oo, napapanood nila, pero ikaw sa puso mo baka iba ang dating sa iyo ng memory na ‘yon.
“So para sa akin din, kapag totoo kang nagmamahal, ano man ang mangyari, magbago man ang itsura, maghiwalay man kayo ng mahabang panahon, pero ‘yung memory ng pagmamahal, parang hindi mawawala ‘yon,” mahabang sabi ni Marian na inaming matagal ang naging proseso ng pakikipag-usap niya sa mga anak na sina Zia and Sixto bago sila nag-shooting sa Quebec, Canada.
First time nilang mag-shooting sa ibang bansa na may mga sign daw talaga na doon sila pumunta kahit na hindi ito ang original plan ng production at ni Direk Mae Cruz Alviar. “Yes, first time namin mag-asawa mag-shoot outside the Philippines, kaya naging perfect rin ‘yung Quebec, tsaka ‘yung kuwento dahil ang daming first para sa amin,” hirit ni Dingdong.
At mas naging espesyal daw ang pelikula dahil ang misis ang kasama niya. “Kapag napakalapit ng kuwento sa puso mo, parang ang sarap sa pakiramdam, and ang pinakamasaya pa diyan ay ‘yung katrabaho mo, ‘yung mahal mo sa buhay,” dagdag ni Dong.
At ang isa pang nakita ni Marian na major sign dito ay nang pumasok sila sa isang simbahan sa Quebec.
Pagtingin daw niya sa ceiling ay nakita niya ang design ng kanyang temporary tattoo na inilagay para sa kanyang role – snow flakes. “Tinawag ko agad siya ‘dad it’s a sign.’
“Nakakatuwa, ang dami namang pwedeng pagkakataon. Pero bakit parehas pa sa tattoo ko ‘yung nasa simbahan. Talagang ang daming momentum. Katulad niyang sa mga plate number ng sasakyan, ang meaning ‘I remember,’” pagkukuwento pa ng aktres.
Dinirek ni Mae Cruz Alviar, sinusundan ng Remember ang kuwento ng estranged couple na nakalimutan na kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal sa isa’t isa.
Pero mahahanap nila ang sarili na nagpapanggap lang para sa kanilang anak na ginampanan ni Zia Grace na unti-unting nabubura ang memorya.
Supposedly ay noong isang taon pa raw nila ito gagawin. “Ni-remind niya ako (Dingdong) na ‘hindi ba ito ‘yung dream natin, magkapag-shoot sa ibang bansa.’
“Sabi baka ito na ‘yun. Naging mahirap para sa akin ‘yun. Siguro ilang buwan kong kinausap ‘yung mga anak namin para sa araw na aalis kami handa na sila pati na ako. So naging ok.
“Kaya nung napanood ko ‘yung trailer ng pelikula, ina-admit ko na naging emosyonal ako. Kasi naisip ko, mahirap mawalay sa mga anak, pero worth it din pala. Nung napanood ko ‘yung pelikula. Kaya sabi ang sarap gumawa ng isang pelikula na malapit sa puso mo, mai-offer mo sa kapwa-Pilipino na hindi mo alam ang pinagdaraanan
“At isa lang malinaw sa amin dito, ang misyon namin dito, mabigyan kayo ng hope, pag-asa kung anuman ang pinagdaraanan ninyo,” halos emosyonal na pahayag ni Marian.
Kuwento naman ni Direk Mae, walang naging problema sa shooting nila dahil kahit si Dingdong ay nagbubuhat ng mga kagamitan nila sa shooting.
Samantala, lagi pa ring may kilig ang mag-asawa tuwing magkasama kahit na may dalawa na silang anak.
Pero ano ba ang gusto nilang ma-remember sa kanila: “ Siyempre ‘yung memory na una ko siyang nakilala, tapos ‘yung memory ng aming wedding, at ‘yung memory ng birth ng dalawa naming anak. Lahat ‘yon magkakadugtong,” mahinahong sagot ni Dingdong.
“Isa lang daw, eh. Pero siguro ‘yung wedding namin, kasi ‘yung wedding na ‘yon, doon nag-sink in sa akin ang pangarap ko na gusto kong magkaroon ng pamilya. Na nangyari nga dahil ngayon ay may dalawa na kaming anak,” lahad naman ni Marian.
Samantala, ang actress ang guest sa Gandang Gabi Vice (GGV) para sa promo ng Remember na mapapanood sa mga sinehan umpisa sa Nov. 11, worldwide.
Magsasama nga ang dalawang box-office stars na sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Phenomenal Unkabogable Superstar Vice Ganda ngayong Linggo (Oktubre 25) sa GGV, na mapapanood ang unfiltered version exclusively sa iWant.
Sa kanyang GGV debut, handang-handa na si Marian sa kulitan at tawanang hatid nina Vice at ang Geng Gang. Bukod sa matinding hiritan, ikukuwento rin ng aktres ang kanyang pagsisimula sa showbiz, at isa-isang haharapin ang mga mainit-init na chismis patungkol sa kanya.
At isa nga sa pinag-usapan ay ang tungkol sa padlock kay Bela Padilla.
Mapapanood sa teaser ng show na tinanong si Marian tungkol sa padlock issue. Bitin pa ang ang sagot niya at ang ipinalabas lang ay ang sagot nito kay Vice na “‘Yung totoo?” Hanggang ipinakita si Marian na nilagyan ng padlock ang pintuan ng kunya-kunyariang cubicle, saka nag-dialogue ng “O ‘di ba malandi ka? O ayan, malandi ka.”
Abangan ang uncut at unfiltered kulitan nina Vice at Marian sa Gandang Gabi Vice: Unfiltered. Mapapanood ang mga unfiltered episode nito sa pamamagitan ng iWant subscription plan sa halagang P35 kada buwan sa Pilipinas, USD 12.99 kada buwan sa United States, at USD 4.99 sa iba pang bahagi ng mundo.
Anyway, kasama rin sa Remember sina Joross Gamboa, Kyle Echarri, Ana Abad Santos, Carla Humphries, Aiza Marquez, Jobert Austria, Jeff Lamay and Dominic Lorange.
- Latest






















