^

Pang Movies

Viva hot babe Jennifer, namatayan ng tatay at anak

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Viva hot babe Jennifer, namatayan ng tatay at anak
Jennifer

Matinding dagok para kay Jennifer Lee ang sabay na pagkawala ng kanyang ama at ng kanyang hindi pa isinisilang na anak.

Pero nakakahanap siya ng kaunting ginhawa sa piling ng kanyang mga kasama sa Viva Hot Babes habang patuloy na hinaharap ang pagdadalamhati.

Sa nalalapit na reunion concert ng Viva Hot Babes sa Oct. 23 sa New Frontier Theater sa Quezon City, sinabi ni Lee na malaking tulong ang makasama ang mga itinuturing niyang pamilya para gumaan ang kanyang nararamdaman.

“Kasi medyo fresh pa talaga. Mahirap talaga pag-usapan. I lost my baby and my dad nitong February. Sabay.

“Noong nilibing ang dad ko, nag-stop heartbeat ng baby ko. I was two months pregnant. Noong time na ‘yon nawala yung kapatid ni Jediel, he was a baby boy may pangalan siya, we named him Juriel,” umiiyak na kuwento ni Lee.

“Ang hirap kasi hanggang ngayon when I’m alone o kapag hindi busy, hindi kami nagre-rehearse, wala kami sa guesting, kasi minsan ang nakikita ng tao ‘yung glamour, make-up and all, pero pag-uwi may bigat kang dinadala,” dagdag pa niya.

Nakatutulong talaga aniya ang suporta ng kanyang mga kagrupo para kahit papaano ay makalimutan ang sakit.

“Nakakalimutan ko nag-e-enjoy ako, napapangiti. Alam mo ‘yung nawawala ang bigat na dala-dala mo. ‘Yung love namin sa isa’t isa ay nangingibabaw doon sa sadness.”

Si Jennifer Lee ay isa sa top female celebrity DJ sa Pilipinas at Hall of Famer for Best DJ ng Aliw Awards. Lumabas siya sa mga pelikulang Ang Lalake sa Parola, Ilusyon, Co-ed Scandal, Maria at More Than Blue.

Mr. Chinatown, pumanaw sa aksidente

Pumanaw sa edad na 34 ang kauna-unahang Mr. Chinatown winner na si Randy See.

Ayon sa Instagram post ng kanyang partner, nasawi ang modelo at aktor sa isang aksidente sa sasakyan sa Maynila.

“Thank you to all the friends who love Randy. He still lives in everyone’s memories and hearts,” caption niya.

Sana ay ipagdiriwang ni Randy ang kanyang ika-35th birthday sa Oct. 22.

Sumali si Randy Morton See Cailles sa kauna-unahang edisyon ng Mr. and Miss Chinatown noong 2013 at nagwagi sa patimpalak.

Noong 2014, lumahok siya sa Star Magic All-Star Games, kung saan nakasama niya sa men’s basketball event sina Gerald Anderson, Daniel Padilla, Young JV at iba pang Kapamilya stars.

Napanood din si Randy sa mga pelikulang Beauty and the Bestie at Feng Shui 2.

Selena Gomez, nahirapang kumawala sa vape

Inamin ni Selena Gomez na naapektuhan ng va­ping ang tunog ng kanyang boses. “I’m not gonna be able to change my voice. I vaped nicotine a lot,” sey ng 34-year-old singer sa kanyang Instagram Stories.

Ayon kay Gomez, naging mahirap ang pagtigil niya sa paggamit ng nicotine. “My journey to quit using nicotine has been really hard. I just hope I can keep it up. If you are going through something, you can get through it too.”

Matagal nang bukas si Gomez sa mga hamon sa kanyang kalusugan matapos ma-diagnose with lupus at bipolar disorder.

JENNIFER LEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with