^

PSN Opinyon

Pagtatanim ng pineapple

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Kahit sa bote ay puwede

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang simpleng pagtatanim ng pineapple o pinya kahit po sa mga bote ng mineral water na self watering ang pamamaraan ay puwede itong itanim.

Ang pinya po ay itinatanim sa pamamagitan ng suhi nito.

Nasubukan ko na ring itanim ang korona ng pinya pero umabot po ng dalawang taon bago ko napabunga.

Kung ang suhi ng pinya ang itatanim ay aabot lang ng siyam na buwan hanggang isang taon ay mapapabunga mo na.

Madali lang po patubuin at alagaan ang pinya.

Ibaon lang ng 2-inch sa lupa ang suhi nito ay tutubo na makalipas ang isang linggo.

Hindi po mapili sa lupa na pagtataniman ang pinya. Ako po ang gamit ko ay 60-percent buhaghag na lupa, 20-percent vermicast at 20-percent ay cocopeat.

Habang lumalaki ang pinya ay tumataas din ang nutrients na kanyang pangangailangan kaya kailangan na maglagay ng dagdag na pataba sa lupa na Vermicast pero kung wala kayo nito ay maganda rin ang chicken manure, cow manure, carabao manure or compost.

Kapag nagsimula na ang kanyang flowe-ring stage ay magdilig lang po kayo ng binabad na balat ng saging at mag-spray ng Fermented Fruit Juice (FFJ) para matuloy sa bunga ang bulaklak.

Madali lang naman malaman na hinog na ang bunga ng pinya mula sa kulay ng balat nito ay unti-unting maging orange ay puwede nang pitasin dahil iyon ay matamis na.

Napakaraming taglay na health benefits sa ating katawan ng pinya, ito ay nagpapalakas ng ating immune system, mataas ang taglay na Vitamin-C, Fiber at iba pa na maganda sa ating kalusugan.

Kung waka pa kayong garden na pagtata-
niman ay puwede po itong itanim sa  mga bote ng mineral water, sa paso, sa timba, sa sako at iba pa, tulad ng aking ginagawa,  pero kung meron naman po ay mas magandang itanim ng direkta sa lupa.

Ako po ay marami nang tanim na gulay at prutas, pero patuloy pa po akong nagtatanim.

Dahil ako po ay naniniwala na ang pagkakaroon ng seguridad sa pagkain ay dapat magsimula sa ating mga tahanan.

For Security Starts At Home. Nagawa ko po ang ganitong pagpapanim, magagawa rin po ninyo. Kaya magtanim din po kayo ah.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

GULAY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with