^

PSN Opinyon

‘September 21’ kasaysayang maaaring maulit

WAG EPAL - Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Marami ang kinakabahan at natatakot na maulit ang Martial Law. Subalit hindi malayong mangyari na maulit ito sa takbo ngayon ng sistema ng pamahalaan.

Para kay Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice, hindi lamang petsa sa kalendaryo ang Setyembre 21, 1972 kundi babala na maaaring maulit ang kasaysayan kapag hinayaan ang pag-abuso sa kapangyarihan at unti-unting paghina ng mga institusyong demokratiko.

Sa kanyang privilege speech sa Kamara noong Setyembre 14, sinabi ni Erice na mahalagang balikan ang mga aral ng Martial Law, partikular ang paggamit ng kapangyarihan laban sa mga kritiko at ang pagtatangkang paluwagin o manipulahin ang mga pananggalang ng Konstitusyon.

Ngunit hindi lamang pulitika at karapatang pantao ang dapat pagnilayan. Kasama na dito ang korapsyon, cronyism at labis na pangungutang ng gobyerno na maaaring maging mabigat na pasanin sa mga susunod na henerasyon. Kaila­ngan ang transparency at pananagutan sa paggamit ng pondo ng bayan.

Sa impeachment process lang para sa kongresista, dapat sundin ang malinaw na itinatakda ng 1987 Constitution na sa 24 senador, kailangan ang 16 boto para sa conviction, kaya dapat ebidensiya ang magpasya at hindi baguhin ang itinakdang proseso.

Agad namang iginiit ng kongresista na hindi siya kuma­­kampi sa alinmang political dynasty dahil ang kanyang pani­­nindigan ay para sa Konstitusyon, accountability at human rights, anuman ang personalidad o grupong nasa kapangyarihan.

Matagal nang miyembro ng Liberal Party si Erice kaya alam niyang hindi dapat nakabatay sa pagiging pro o anti sa isang personalidad ang prinsipyo. Dapat umanong pareho ang pamantayan sa pagharap sa pang-aabuso, korapsyon at paggamit ng mga institusyon ng gobyerno. Maging higit na tapat ang mga Pilipino sa sambayanan at sa Konstitusyon kaysa sa mga personalidad at political dynasty.

Ang kalayaang hindi ipinagtatanggol ay maaaring ma­wala, ang kapangyarihang hindi binabantayan ay maa­aring­ maabuso, at ang kasaysayang hindi pinag-aaralan ay maa­aring maulit.

MARTIAL LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with