DPSTM ng Caloocan LGU aksiyon agad!
Maraming motorista ang natuwa at nagpasalamat sa mabilis na aksiyon ng Department of Public Safety and Traffic Management ng Caloocan LGU sa ilalim ng pamamahala ni Engr. Jay Bernardo dahil sa tuluy-tuloy na daloy ng mga sasakyan sa Mindanao Extension, Caloocan City.
Ang Mindanao Extension ay isang government project na magdudugtong hanggang San Jose Del Monte, Bulacan. Pero hanggang sa Caybiga, Caloocan muna ito hanggat may mga inaayos pang mga isyu.
Mahirap ayusin ang trapiko dahil maraming motorista ang kamote at pasaway na nag-uunahan sa daan na tila hinahabol si Kamatayan.
Ang Mindanao Extension ang sinasabing shortcut papuntang North Caloocan, Valenzuela at Novaliches kaya asahan na ang pagdami ng mga sasakyan.
Nag-eembudo at bumabagal ang mga sasakyan dahil sa kanya-kanyang diskarte ng driver lalo na kung rush hour. Halos aabutin ka ng 1 oras bago makalabas sa Mindanao Extesion.
Kaya naman maganda ang naisip ni Engr. Bernardo at siyempre sa supervision ni Mayor Along Malapitan na maglagay ng U-turn slot sa mga sasakyan na papuntang Novaliches.
Ika nga, konting sakripisyo pero mas marami ang makikinabang. Siyempra bukod sa mabilis na daloy ng mga sasakyan, mas ligtas ang U turn slot sa mga motorista at pedestrian.
Sa kautusan ni Engr. Bernardo hindi rin nawawala ang mga tauhan ng DPSTM sa lugar upang masiguro na sumusunod ang mga motorista lalo na ang mga motorcycle riders na mahilig sumingit sa daan.
Kung sabagay hindi lang sa Mindanao Extension nakakalat ang mga tao ni Engr. Bernardo kundi sa buong Caloocan para siguraduhin ang maayos na daloy ng trapiko.
Hindi rin nagpapabaya ang mga DPSTM personnel sa pagbabantay sa mga paaralan upang tiyakin na ligtas ang mga estudyante na tumatawid.
Salamat Engr. Bernardo, Salamat Mayor Along!
- Latest















