Silang hindi natitinag
KABILANG sa mga nasa listahan ng mga bilyonaryong Pilipino na nasa edad 30 ay ang celebrities sina Kathryn Bernardo at si Bea Alonzo na may kayamanan na higit pa sa bilyong piso.
Nakatutuwang isipin na kahit paano simula pa noong bata pa sila ay marunong na silang humawak ng perang kinikita nila mula sa pag-aartista at sa pagiging endorser ng mga produkto.
Isa rin sa malaking tulong sa kanilang pagyaman ay ang pagkaroon nila ng mga nanay na marunong humawak ng pera. Hindi ‘yung may ugaling gagastahin sa luho ang kinikita ng kanilang mga anak.
Isa rin sa mga confirmed Pilipino billionaires sa edad na 32 si Batangas Rep. Leandro Leviste na ang kayamanan ay tinatayang P54.8 billion dahil na rin sa pagiging founder ng Solar Philippines, Inc.
Ang iba pang mga bilyonaryo na nasa listahan ay sina Mika Romero, anak ni businessman at politician na si Mikee Romero; Camille Villar, KC Bolkiah del Rosario, Jaime Alfonso Zobel de Ayala, Nicole Coson, Kim Chiu at Dominique Cojuangco.
Hindi naman ibig sabihin na hindi talaga sila natitinag dahil ang kanilang net worth ay kadalasang nagpa-fluctuate dahil na rin sa iba’t ibang kadahilanan sa pagbabago ng market value.
- Latest
















