Digong nagpasko sa ICC detention facility
May sinulat ako noong Nobyembre kung saan sinabi ko na malaki ang posibilidad na magpapasko si dating President Rodrigo Duterte sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands kung saan siya nakapiit mula pa noong Marso 2025 dahil raw sa kasalanan laban sa humanity.
At totoo nga ang nangyari.
Nagsalitan na lang ang mga miyembro ng pamilya Duterte sa pagbisita sa kanya sa ICC facility. Napakalamig ng Pasko at New Year ni Duterte.
Ngunit may isang napakagandang nangyari noong Pasko sa dating Presidente. Bumisita ang kanyang youngest daughter na si Mira sa The Hague.
Ayon kay Veronica “Kitty” nagkaroon ng glow ng mukha ng kanilang ama nang makita at nayakap si Mira.
At kahit na nga na wala rito sa Davao City ang dating Presidente patuloy ang pagdaraos ng taun-taong “Pahalipay sa Taal” na gift-giving na dinaraos sa dating bahay ng mga Duterte sa Taal St., Royale Valley, Bangka, Davao City.
Talagang pinipilahan ang pamaskong handog na ilang taon na ring ginagampanan ng pamilya Duterte.
Kahit paano at kahit na nga naging malungkot ang Pasko at New Year ng dating Presidente, may mga bagay pa ring nagdadala ng ngiti sa kanyang mga labi.
- Latest





















