^

PSN Opinyon

Yaman natin nawaldas sa padalus-dalos

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Inaksaya nina dating presidente Rody Duterte at defense secretary Delfin Lorenzana ang P2 bilyon. Padalus-dalos silang nag-downpayment nu’ng January 2022 para sa 17 Russian cargo helicopters. Tapos, kinansela nila ang order nu’ng June 25. Ngayon, malamang hindi na mabawi ni bagong Presidente Bongbong Marcos ang pera.

Mali mula’t sapul ang pagbili ng kagamitang militar sa Russia. Unang-una, ang mga salita sa instrumento at ma­nuals ay sa Ruso; hindi maiintindihan ng mga sundalong Pilipino. Pangalawa, hindi interoperable ang mga kagamitang Russian sa mga dati nang binili ng Armed Forces mula sa Amerika, Europe, Japan at Korea. Pangatlo, walang after-sales service ang pagbenta ng Russia ng helicopters; bukod pang kontrata ang maintenance at repairs.

Wala itong pinagkaiba sa 5,000 AK-47 rifles na ­ibinigay ng Russia sa Pilipinas nu’ng 2017 para wakasan ang Marawi siege. May libre ngang isang milyong bala. Pero mauubos agad ito sa practice firing. Oorder uli ng bala—may bayad na. May libre ring 20 Russian military trucks, pero hindi magamit ng sundalo. Ibinigay na lang ng AFP lahat ito sa Philippine National Police.

Tila pulitika ang dahilan ni Duterte sa pagbili sa Russia; tinutuya niya lang ang America, ani geopolitics expert prof. Renato De Castro. Kung nasunod lang ang Air Force, American Chinook choppers sana ang binili.

Alam naman nila na noon pang 2017 ay meron nang batas ang Amerika na nagpapataw ng economic sanctions sa mga bansang bumibili ng military hardware sa Russia. Tinutuya lang ni Duterte ang kinamumuhian niyang Amerika kaya siya umorder ng Russian equipment.

Magastos na pamumulitika ‘yon. Tayong mga Pilipino ang magbabayad ng P2 bilyon. Imbis na magamit pang-ayuda sa maralita, mapupunta ‘yon sa Russia. Pero walang helicopters, kasi Pilipinas ang nagkansela ng kontrata.

Namulitika rin si Duterte sa China. Pinayagan si President Xi Jinping na mangisda sa West Philippine Sea. Walang limitasyon sa pook, tonelada at panahon. Namihasa tuloy ang armadong Chinese fisheries militia. Binaril, binangga at pinalayas ang mga Pilipino sa sarili nilang dagat. Kinapos tuloy ng isda ang mga Pilipino.

Sana maging responsable ang mga lider natin.

vuukle comment

DELFIN LORENZANA

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with