^

PSN Opinyon

Pagbabasa, pagsusulat ‘ipauso’ sa mga bata

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NU’NG dekada-’70 sa high school pinababasa kami ng diyaryo at pinaliliham sa mga awtor at editor. ‘‘Snail mail’’ pa noon, ilang araw bago dumating ang sulat sa addressee­ at sa amin. Dapat ‘‘may dating’’ ang liham namin para gana­han silang sumagot—at tumaas ang mga grado namin sa English Composition at sa Panulat Pilipino.

Dekada-’90 napalitan ng email ang koreo. Malimit ako noong makatanggap dito sa Pilipino Star NGAYON at Phi­lippine STAR ng e-mails ng mag-aaral mula sa private at public schools. Sinasagot ko sila agad para ganahan sa class assignment—at tumaas ang mga grado nila.

Isang paraan lang ang letter-writing para hasain ang mga bata sa pagbasa at pagsulat, at masanay sa wastong baybay o spelling.

Ngayon sa mobile text at Facebook na nagsusulatan ang mga tao. Sinusundan ng mag-aaral ang mga hina­ha­ngaang tao sa Twitter. Napag-alaman ko na hindi na pinagsusulat ang mga bata sa mga awtor at editor. Nawiwili sila sa puro litrato at video sa Tiktok at YouTube.

Nakakabahala ito. Kulang ng paghasa sa mga bata sa Reading Comprehension. Sa international tests, kulelat ang mga Pilipino sa Grades 4, 5 at 8. Mabagal sila magbasa at hindi makasulat ng isa man lang na sentence mula sa ipinabasang paragraph.

Dahil mapurol ang mga Pilipino sa pagbasa at pagsulat, kulelat din sila sa Math at Science kumpara sa mara­ming bansa. Hindi maintindihan ang numero at agham dahil hindi sinanay magbukas ng libro. E paano pa kaya sila aasenso sa buhay? Paano magkakatrabaho o negosyo laban sa mga kahenerasyon na dayuhan.

Maaring makatulong ang celebrities at influencers sa solusyon. Hikayatin nila ang mga bata na magbasa ng Kasaysayan at Panitikan. Magtatag ng Book Clubs. Pasu­latin sa social media platforms nila ang mga bata, para ganahan sa mga aralin. Hindi lang guro o magulang ang tagaturo kundi lahat tayo—buong lipunan.

vuukle comment

NEWSPAPER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with