^

PSN Opinyon

AB 4.0 sneakers ready for distribution na!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Excited na kami na simulan ang pamamahagi ng pina­nanabikang AB 4.0 sneakers sa lahat ng #ProudMakatizen students.

Ito ang pinakabago at mas lalong pinagandang free rubber shoes na ibinibigay namin sa mga mag-aaral sa lahat ng public schools sa Makati, simula kinder hanggang senior high school.

Bago ang kulay at disenyo ng AB 4.0. Kung dati ay puti at light blue ang color schemes, ngayon ay dark blue and white na para hindi dumihin ang sapatos kahit lagi itong suot ng ating mga estudyante.

Nakinig kami sa mga komento at feedback ng mga batang nagsusuot ng aming sneakers, kaya naman espesyal ang AB 4.0 na malapit nang i-distribute sa mga paaralan. Kasama ito sa paghahanda sa nalalapit na pagre-resume ng face-to-face classes sa lungsod.

Noong 2020 ang huling release ng free rubber shoes sa mga mag-aaral. Ang AB 3.0 ay ipinamahagi sa 93,110 public school students kabilang ang SPED at ALS students. Nahinto ang pamamahagi ng sikat na sneakers noong 2021 dahil sa pandemya. Noong 2019 inilabas ang AB 2.0 at 90,000 mag-aaral mula kinder to senior high school ang nakatanggap nito.

Ang original version naman ng AB sneakers ay inilabas noong 2017 at ibinigay sa 89,862 students. Agad itong pumatok­ sa panlasa ng mga kabataan at mga netizen. Sa sobrang kasikatan ay binansagang “Air Binay” ang free rubber shoes ng Makati, hango sa sikat na line ng sneakers ng isang malaking brand.

Siyempre, naging proud at masaya kami sa napakagandang pagtanggap sa aming munting proyekto. Malaking bagay para sa kabataan ang mayroong maayos at matibay na sapatos na pwedeng maisuot sa pagpasok sa eskwela at maging sa extra curricular activities.

Sinimulan namin ang free rubber shoes program dahil nakita namin ang kakulangan sa maayos na sapatos ng marami sa mga mahihirap na mag-aaral sa lungsod. Hindi lahat ay kayang bumili ng mahal na branded sneakers para merong pang awra o pang-insta.

Dagdag dito, karamihan sa mga kabataan ay nahihiya kapag luma at sira na ang suot nilang sapatos. Kaya naman naisip namin na magandang pang boost ng kanilang morale ang maganda at high-quality shoes na pwede nilang ipagmalaki at isuot kahit saan.

Malapit na pong magsimula ang pamamahagi ng AB 4.0 sa mga paaralan. Pakiusap ko lamang po ay kaunting pasensiya sa pag-aantay ng schedule ng inyong paaralan. Maaaring mag-monitor sa My Makati FB page para sa schedule of distribution.

vuukle comment

SPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with