^

PSN Opinyon

Siyota rin pala

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Part 1)

Si Tomas ay inakusahan ng pagnanakaw, pagsasamantala at tangkang pagpatay. Ang insidente ay nangyari isang gabi sa buwan ng Abril sa isang bayan sa Central Luzon. Ang biktima sa krimen ay si Alma at ang mister nito na si Berto.

Ayon sa testigo ng prosekusyon, partikular si Alma, pabalik na siya sa kanyang bahay dakong alas nuwebe ng gabi nang makita niya ang isang lalaki na kinilalang si Tomas, na umiihi sa tabi ng footbridge. Nang makarating na siya sa may footbridge, bigla siyang inakbayan ni Tomas sabay tutok ng kutsilyo sa kanyang tagiliran. Sinabihan siya nito na huwag sisigaw at iyuko lang ang ulo.

Dinala siya ni Tomas malapit sa madilim na bahagi ng tulay. Pinaupo siya nito at kinuha ang kanyang mga personal na gamit, isang Louis Vuitton wallet na may laman na P3,000, mga ID, cell phone at USB na nagkakahalaga ng P500. Nang hawak ni Tomas ang cell phone, dumating ang text mula sa boyfriend ni Alma na si Berto. Nagtatanong si Berto kung nasaan na si Alma. Sinagot ni Tomas na “Gago girlfriend ko si Alma”. Itinabi ni Tomas ang mga gamit na ninakaw at sinimulan ang pagmolestiya kay Alma.

Itinaas ni Tomas ang t-shirt at bra ni Alma sabay dinilaan ang dibdib nito. Pagkatapos ay sapilitang hinubad ang underwear at pinahiga sa semento si Alma. Pinasok nito ang daliri sa ari ni Alma kasunod ang kaselanan. May mga taong dumaan pero inutusan siya ni Tomas na huwag intindihin ang mga ito. Pinayuko siya at inutusan na huwag gagawa ng ingay. Inutusan din si Alma na sipsipin ang ari ng lalaki.

Samantala, matapos maghintay ng dalawang oras sa bahay ni Alma, lumabas na si Berto at hinanap ang nobya. Natagpuan niya ang dalawa malapit sa footbridge kung saan pinipilit ni Tomas na isubo ni Alma ang ari nito. Nang kumprontahin ni Berto si Tomas, agad siya nitong inundayan ng saksak. Nakaiwas si Berto pero nang sasaksakin muli, wala siyang nagawa kundi tumalon sa ilog. Sinundan siya ni Alma nang maramdaman na siya naman ang sasaksakin ni Tomas.

May mga kaibigan ang kapatid ni Alma na dumating at sumaklolo nang marinig ang sigaw ng babae. Kaya napilitan si Tomas na sunggaban ang bag ni Alma at tumakbo palayo sa pinangyarihan ng krimen. Pagkatapos ay pumunta sa presinto si Alma at nagsampa ng reklamo sa nangyaring insidente. Samantala, si Berto naman ay dinala sa ospital. Ayon sa ulat ng medico legal, nagkaroon si Alma ng hematoma sa bibig, gasgas sa magkabilang tuhod, kaliwang hita at kanang paa. Nasugatan naman si Berto dahil sa pananaksak.  (Itutuloy)

vuukle comment

BERTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with