^

PSN Opinyon

14 wanted criminals, nabitag ng MPD sa Holy Week!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Happy Easter mga kosa!

Tumagal bilang imbestigador itong si Manila Police District (MPD) director Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco kaya’t halos kabisado na n’ya ang ugali ng mga kriminal. Kinaugalian na kasi ng mga kriminal na dalawin ang kani-kanilang mga pamilya tuwing Semana Santa kaya’t hindi nag-aksaya ng panahon si Francisco para mabitag sila.

Habang ang mga Katolikong Pinoy ay nagseselebra­ ng Semana Santa, ang mga tauhan naman ni Francisco ay nagtatrabaho at 14 most wanted persons (MWPs) ang nasakote nila. Hamakin n’yo, 14 na kriminal ang nawala sa kalye dahil sa sistemang pinairal ni Francisco kaya masasabi kong mababawasan ang crime rate sa Maynila sa darating na mga araw, lalo’t panahon pa ng pandemya, ‘di ba mga kosa? Anong sey mo Philippine National Police­ (PNP) chief Gen. Debold Sinas Sir? Dipugaaaa!

Sa report ni Francisco, inaresto ng mga tauhan ni Lt. Col. Dennis Rodriguez, ang hepe ng Station 10 sa Pandacan itong si Jessie Balognapo, sa Caloocan City samantalang si Ian TImbal, 33, naman sa Dasmariñas, Cavite na kapwa wanted sa Northern Samar sa kasong rape. Sina Reynaldo Ricardo, 49, na may kasong murder at Don Ricardo Santos, 21, na ang kaso ay robbery with violence and inti­­midation ay nasakote ng operatiba ng Station 1.

Umarangkada rin ang Station 6 at inaresto sina Rico Decrito, 33, na may kasong slight physical injuries; si Pedro Untalan, 30, na ang kaso ay robbery; Carlo Anjo Bayaya, 31, na ang kaso ay theft, at Roberto Makiling, 41, na humaharap ng kasong serious physical injuries.

Hindi rin pahuhuli ang Station 5 at kinorner si Romeo Tablada, na ang kaso ay theft, ang Station 10 naman ay inaresto si Ricardo Vijeno, 29, na ang kaso ay murder. Ang Station 2 naman ay inaresto si Jack Morris Garcia, 32, at Joel delos Santos, 40 sa kasong robbery-holdup, habang ang District Mobile Force Batallion ay nasakote si Dennis Francisco sa kasong qualified theft.

Si Dindo Darang, 47, naman ay nasakote ng intelligence division, CIDG-DSOU at Taytay police sa Block 30, Sitio Batasin 1, Floodway A., Bgy. San Juan sa kasong murder. Ayon kay Francisco si Darang ay may P90,000 reward at inirekomenda ni Judge Santos Gil, ng RTC Branch 6 sa Tacloban City ang no bail sa kanya.

Hindi nagkamali si Sinas at Manila Mayor Francisco Domagoso sa pagtalaga kay Gen. Francisco bilang MPD director, ‘no mga kosa? Abangan!

vuukle comment

HAPPY EASTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with