^

PSN Opinyon

2 sekyu, 2 mukha ng kahirapan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KUNG mayroong sekyu na nag-amok at nang-hostage ng 30 katao sa San Juan noong isang linggo, at sinasabing nakabuklat ng mahalagang palaisipan para sa buong bayan tungkol sa hirap ng ordinaryong manggagawa at mga kakulangan sa batas para sa kanila, mayroon ding ibang mukha ng pagdurusa na, sa halip na lumabag sa batas, ay nagtitiis at nagsisipag. Kayo na ang humusga.

Si Aries Abas, 40-anyos, ay isa ring sekyu sa mall sa Davao. Tubong Piket, North Cotabato, sanay na si Aries sa hirap ng buhay. Kung bakit nga naman, iyong nanggaling sa hirap sa kabataan ay yun din ang hirap sa buhay sa katandaan na naipapasa pa sa mga anak na namana. Hindi natin lubos mawari.

Tulad ng sekyu na nang-hostage, si Alchie Paray na 40-anyos din, si Aries ay mayroong mga pananagutan, tulad ng pagbuhay sa isang pamilya. Si Aries, tulad din ni Archie ay nag-viral online. Pinag-usapan. Nakaimpluwensya sa marami — pero sa magkaibang dahilan at paraan.

Si Aries ay nakunan ng litrato ng isang dumadaan lang sa kanyang puwesto bilang sekyu sa mall. Kumakain siya ng pananghalian. Kanin. Ang ulam? Cornick. Bakit nga naman sitsirya ang ulam sa kanin ng sekyu na ito? Ano ang kanyang kuwento?

Dati pa raw siyang marunong bumaluktot kapag ma­ikli ang kumot. Dati pa nga raw ay toyo lang ang pang-ulam, noong sila’y nakatira pa sa Cotabato. Noong siya naman ay namamasada ng traysikad, P3 lang kada araw ang kinikita niya. Lima na ang anak ni Aries at pinapanindigan niyang pilit na patapusin sila lahat sa pag-aaral. Ang panganay ay matatapos na ng high school.

Kahit mahiwalay sa pamilya nagtrabaho siya sa Davao bilang security guard at halos ubos sa pagpapadala sa pamilya ang P8,000 na kinikita niya kada buwan. Kaya, sabi niya, pantipid na rin ang pag-ulam na lang ng sitsirya. Hindi naman daw araw-araw, pero kapag nagigipit, ito ang kanyang pagkain. Nagpipigil siya ng pagbagsak ng luha habang kausap ko.

Marami ang naantig ang puso sa kuwento ni Aries dahil nga kumalat ang litrato niya sa internet. Pati ang mga anak niya ay nagulat sa nalaman nilang pinagdadaanan ng tatay nila para lang sila buhayin. Marami ang tumulong sa pa­milya ni Aries. Kasama na ako sa humanap ng scholarship para sa anak na nais maging pulis. Nagdagdag kami ng pondong paninda para sa asawa niya. Dahil sa kabayanihan ni Aries bilang nagsasakripisyong ama at asawa.

Pero paano nga ba natin mahuhusgahan ang pinagdaraanan ng isang tao na gipit na gipit sa buhay? Desis­yon na lamang ng isang tao kung paano niya haharapin ang mga hamon na minsang hinahampas ng tadhana. Ang nakikita lamang talaga natin ngayon na malinaw: si Archie Paray, ayun, nakakulong at naiwan ang pamilya na walang magsusustento kahit paano sa kahit maliit na suweldo. Si Aries Abas, hirap man, marami ang duma­may at tumulong. At mayroon pa ring ama na nakakasama at nasasandalan ang kanyang mga anak.

vuukle comment

ALCHIE PARAY

ARIES ABAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with