^

PSN Opinyon

Artificial Intelligence, robots panggiyera

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Sa dilim ng gabi dumagit ang spy plane nang halos sa tuktok lang ng mga puno, at nagbuhos ng dose-dose­­nang gadgets sa gubat sa ibaba. Ilan doon ay mikropono, para madinig ang yabag ng mga gerilya at ugong ng trucks. Iba ay seismic detectors ng kalabog ng tangke. Meron ding sensors pang-amoy, pati ng ihi ng tao. Lahat ‘yon nagta-transmit ng datos sa barko, na magpapa­lipad ng fighters na magbabagsak ng napalm at bomba. Pero wala rin. Taong 1970 ‘yon, Operation Igloo White ng Ame­rica, para matunton ang pagpuslit ng North Vietnam­ Army sa South. Gumasta ang US noon ng $1 bilyon ($7.3 bilyon sa pera ngayon) sa “pinaka-modernong” pandigma­. Na­kawasak ng ilang truck ng kalaban sa halagang $100,000 bawat isa ($730,000 ngayon). Natalo sila.

Pero ngayon meron nang Artificial Intelligence (AI) -- mga makina na “nag-iisip” at nakakagawa ng iba pang makina. Nagkakarera ngayon ang US, China, at Russia sa pagalingan ng A.I, robots para sa giyera.

Wala pang robot na maisasabak sa labanan -- kasi delikado, hindi perpekto ang “isip” at malamang na war crimes ang magawa. (Sa Syria nambomba ang Islamic State ng mga kalabang komunidad na dala-dala ng aerial­ drones.) Pero nangunguna na ang makina sa pag-e­espiya at pag-aanalisa. Sa ilang segundo nakakalap ng aerial drones ang mga retrato ng kampo, natitiyak ang lagay ng panahon o bilis ng tangke sa pag-akyat ng kung anong slope, at nakikilala ang kalaban -- bagay na maaring abutin nang isang araw o buwan sa tao.

Sinasaliksik din ang water drones na singliit lang ng sapatos pero may malakas na bomba. Kapag may lumu­pig na kalabang warship, maaring magpakawala ng tatlong dosenang drones na kakapit ng magnet sa ilalim ng barko. Tuwing tutuklapin ay sasabog. Kung hindi ma­pansin, naka-timer ang drones na sumabog pagdaong ng warship sa naval base. May “isip” ang ibang aerial drones para magtulungan humanap ng papasukan sa barko at sa loob kakalat at sasabog.

vuukle comment

AI

ROBOTS PANGGIYERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with