^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Asukal naman ang dadagsa sa bansa

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Asukal naman ang dadagsa sa bansa

SA kasalukuyan, bumabaha ang bigas dahil sa ipinatutupad na Rice Tarrification Law na ina­prubahan noong Pebrero. Sa ilalim ng batas, ma­aari nang umangkat ng bigas ang kahit sino basta’t papasa sa regulasyon ng Department of Agricul­ture. Punumpuno ng bigas ang mga bodega ngayon at tila wala nang problema sa supply. Pero umiiyak naman ang mga local na magsasaka sapagkat na­pakababa naman ng pagbebenta ng kanilang aning palay. Luging-lugi sila. Hindi nila nasambot ang ginastos sa pagpapatanim. Puro utang sila nga­yon. Kung dati ay naibebenta nila ng P14 bawat kilo ng palay, ngayon ay P9 bawat kilo. Nagtataka sila na mula nang ipatupad ang rice tarrification, bumaba ang presyo ng palay.

Ganito rin ang nakikita kapag dumagsa ang asukal sa bansa na inaasahang mangyayari sa susunod na taon. Isinusulong ng Department of Finance ang liberalization sa pag-iimport ng asukal para umano maibaba ang mataas na presyo sa pamilihan.

Ayon sa economic managers, nararapat na ma­alis ang mga restrictions sa pag-iimport ng asukal para madagdagan ang supply at kasunod nito ang pagbaba na ng presyo. Kapag nangyari ito, mapa­palakas ang competitiveness sa sector ng food manufacturing.

Ayon naman sa National Economic Development Authority (NEDA), magsasagawa sila ng pag-aaral sa pinu-proposed na sugar liberalization sa susunod na taon kung nararapat nga bang ipatupad ito. Sinabi naman ng mambabatas na hindi nila hahayaang maipatupad ang sugar liberalization. Hindi umano ito makatwiran.

Mauulit ba sa asukal ang nangyayaring kontrobersiya sa pagdagsa ng bigas sa kasalukuyan? Paano ang mga manggagawa sa azucarera? Pa­ano ang mga sakada? Sa pagdagsa ng imported na asukal, ang lagi nang talo ay mga local manu­facturer. Sino ang bibili ng kanilang produkto kapag bumaha ang asukal? Pigilin ang balak na ito ng economic managers.

vuukle comment

NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with