China kinamumuhian na sa buong mundo
BAWAT lahi ay may katangian na nagiging stereotype nila. Sinasabi, halimbawa na palamura at palainom ang Australians, dahil sa mga kanta nila na maraming maruming salita at sa dating prime minister na beer-drinking champion.
Sinasabi rin na makata ang Russians dahil sa ugali nila na biglang tumayo sa mesa sa restoran para tumula. Prangka raw ang mga Amerikano dahil, ‘di tulad ng mga Pilipinong pahele-hele bago quiere, diretso nilang sinasabi ang nasa isip.
Maayos daw ang mga Hapon dahil ugaling pinauuna ang iba sa pila, ibinubulsa ang basura hanggang sa bahay, at mabusisi sa pagpapabuti ng produkto at serbisyo. Pinakasulong sa teknolohiya raw ang Finnish, dahil sa paggawa ng mahuhusay na cell phones, social media platforms, at online apps.
Sinasabi ng ibang lahi na pinaka-masisinop ang Pilipinang nurses at caregivers dahil sa pag-aalaga nila sa mga pasyente. Pinaka-maabilidad umano ang mga empleyadong Pilipino dahil sa husay magremedyo ng nasirang kagamitan sa opisina o pabrika.
Merong mga lahing kinamumuhian ng mga Pilipino. Nariyan ang Indians na may superiority complex umano, at parating iginigiit ang sariling opinyon. Na-stereotype sila na may bitbit na payong, naka-bisikleta, at nagpapautang nang “five-six”, o P6 bayad sa P5 na hiniram. Nang dumagsa ang Koreans sa Pilipinas simula dekada-2000, binansagan silang mga bastos, maiingay, at pala-away. Ito’y napapansin umano sa mga restoran, shopping malls, sinehan, plaza, at tren.
Ngayong dumagsa ang Chinese sa Manila, nilalarawan silang mayabang, walang-modo, insensitibo. Dahil daw ito sa kinalakihan nilang one-child policy, kaya lahat ay spoiled at makasarili. Bukod doon, hindi raw sila tinuturuan ng kabutihang-asal ng mga mamamatay-tao na pinunong Komunista. Puro tubo lang sa negosyo ang inaatupag, miski masama sa customer o kapaligiran ang produkto. Gan’un din ang tingin sa Chinese sa Europe, Africa, South America, Middle East, at Asia.
- Latest