^

PSN Opinyon

Ginahasa ng sariling anak

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huli sa 2 bahagi)

SA paglilitis, ginawang testigo ng prosekusyon sina Luz, Medy at Senior Inspector Almario tungkol sa ginawang pagsasamantala sa kanya ni Mario. Sa kanyang depensa, si Mario lang ang tumayong nag-iisang testigo at todo tanggi sa nangyari. Ang palusot ni Mario, naglalaro siya ng baraha at nakikipag-inuman sa mga kabarkada hanggang alas kuwatro o alas singko ng madaling araw sa bahay ng kaibigang si Lando. Pag-uwi raw niya para matulog, nakaalis na ang ina na namamasukan naman sa tiyahin nito. Hindi naman niya raw maalala ang sinasabing pangalawang insidente ng rape pero sigurado siya na hindi niya iyon ginawa. Gayundin ang pagtanggi niya sa akusasyon ng attempted rape. Ang katwiran niya, paraan lang ito ng ina para gantihan siya  dahil wala siyang trabaho.

Matapos ang paglilitis, hinatulan ng kamatayan si Mario para sa dalawang kaso ng incestous rape  sabay pinagbabayad din siya ng danyos. Ang attempted rape naman ay ibinaba sa acts of lasciviousness na may parusang 4 buwan, 1 araw hanggang 6 na taon at pinagbabayad din siya ng danyos.

Sa kanyang apela, ikinatwiran ni Mario na walang kapani-paniwalang testigo at ebidensiya ang prosekusyon para patunayan na nanlaban ang kanyang ina sa rape. Hindi rin daw dapat ipataw sa kanya ang death penalty.

 Ayon sa Supreme Court, nasa mas tamang posisyon ang mababang hukuman para pag-aralan ang kredibilidad ng mga testigo tuloy obserbahan ang kilos/pananalita nila habang nakasalang sa paglilitis. Pahahalagahan at irerespeto raw ng SC ang naging pag-aaral ng mahabang hukuman. Walang dahilan para baliktarin nila sa apela ang naging konklusyon nito maliban na lang kung may ebidensiyang hindi nakita, hindi naintindihan o nagkaroon ng maling aplikasyon ng mga sirkumstansiya na nakaaapekto sa naging resulta ng kaso.

Ayon pa sa SC, ang panlalaban ay hindi isang elemento sa kaso ng rape. Ang mabigat na ebidensiya dito ay ang pakikipagtalik sa biktima gamit ang dahas at pananakot lalo kung ang babae ay inalisan ng karapatan na mag-isip, nawalan ng malay o kaya ay wala pa sa 12-anyos ang edad (Art. 355, RPC). Sa kaso ni Luz, diretsahan niyang isinalaysay na si Mario na sarili niyang anak ang tumakot at gumahasa sa kanya gamit ang kutsilyo. Sapat na ang ginamit sa kanyang dahas para hindi siya makapanlaban.

Ang dahilan naman kung bakit hindi siya agad nakapagsumbong sa mga pulis ay dahil inatake siya at na-stroke dahil sa ginawang pag-abuso sa kanya ng anak. Ang hindi naman nagtutugmang salaysay niya sa ginawa nitong pagtutok ng kutsilyo ay maliit na detalye lang na marahil ay dulot ng shock dahil sa nangyari sa kanya. Ipinakikita lang nito na hindi siya tinuruan sa kanyang naging testimonya.

Ang depensa at alibi naman ni Mario ay hindi katanggap-tanggap. Positibo siyang itinuro ng kanyang ina at hindi magkakamali ang pobre sa pagkilala sa kanya. Mas matibay itong ebidensiya kesa sa pagtanggi niya sa nangyari.

Pero ang death penalty ay hindi puwedeng ipataw kay Mario para sa dalawang kaso ng rape. Sa information ng kaso, hindi malinaw na inilatag ang tinatawag na “aggravating circumstances”. Binanggit man ang relasyon ng dalawa bilang mag-ina ay hindi naman nilahad ang tungkol sa ginawang pagbalewala ng akusado sa edad, pagkababae at ranggo ng biktima na basehan sa parusang death penalty kaya ang mas mababang parusa na reclusion perpetua lang ang dapat maging hatol sa dalawang krimen ng rape (People vs. Sagarino Jr., G.R. 135356, Sept. 4, 2001).

vuukle comment

JOSE C. SISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with