^

PSN Opinyon

Narco judges nakagigimbal

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NOONG panahon ni Erap bilang Pangulo, tinawag niya ang mga hukom, prosecutors at mahistrado na nagbebenta ng desisyon na “hoodlums in robes.” Nakagigimbal tala­gang malaman na may mga ganyang kagawad ng hudikatura na humahadlang sa daloy ng tunay na hustisya. Dahil sa kanila, may mga nakakulong na walang sala at mayroong  nasa laya na mga tunay na kriminal.

Ano pa kaya kung ang mga pinapanigang kriminal ng mga ito ay mga drug lords? Tama si Pangulong Duterte. Lumulubha imbes na bumuo ang sitwasyon sa droga dahil sa mga taong ito na kung tagurian ay “narco judges.”

Nakalulungkot malaman na lubhang malalim na ang ugat ng problema sa droga at nilamon na pati ang mga opis­yal ng pamahalaan na siyang dapat mangalaga at pumrotekta sa taumbayan. Kaya long overdue na, bagaman at tumpak ang desisyon ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin na magsagawa ng maigting na imbestigasyon sa ilang hukom na tinutukoy bilang kasabwat ng mga drug criminals.

Umasa tayo sa paniniyak ni Bersamin na hindi magi­ging bias ang Mataas na Hukuman sa imbestigasyon at parurusahan ang mga mapapatunayang nagkasala.

Totoong mahirap ang kalagayan ng mga hukom at sino mang nasa hudikatura kapag sila ay may mabuting­ layu­nin. Marahil, nasa isip nila na mas mabuting tumanggap ng pabor at salapi sa mga sindikato kaysa magpa­kamartir at mapatay. Pero hindi excuse iyan para maging masama.

Walang puwang sa public service ang mga taong duwag na takot itaya ang buhay para sa mamamayang pinagsisilbihan. Kung nananaig ang takot o kasakiman­ para magkamal ng kayamanan, lumayas na kayo sa pa­ma­halaan. Taumbayan ang boss ninyo. Sa kanilang ibi­nabayad na buwis kayo nabubuhay kaya huwag silang pagtaksilan!

vuukle comment

DRUG LORDS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with