^

PSN Opinyon

Magsasakang Pinoy huwag pabayaan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUNG ang pagtatanim ng palay ay “hindi biro” tulad ng mensahe ng isang Filipino folk song, lalung hindi biro kung wala nang magsasakang magtatanim ng mahalagang butil na ito.

Bakit pa nga naman magtatanim ng palay kung ang tanging sinusuportahan ng gobyerno ay ang importasyon ng bigas? Iyan ang malamang maging mentalidad ng mga magsasaka kapag ipinatupad  ang Senate Bill 1998, o ang Rice Tariffication Act.

Naniniwala ang Philippine Chamber of Agriculture and Food  Inc. (PCAFI) na wala nang mamumuhunan pa sa naghihingalong industriya ng bigas sa bansa. Lalo pa’t lumu­lubha ang climate change na nakakaapekto sa mga pananim, isang matinding kakulangan sa pagkain ang naka­amba. Ito ang epekto ng pag-abandona ng pamahalaan sa kabuhayan at kapakanan ng mga magsasakang Pilipino.

Hindi lang magsasaka kundi lahat ng mga Pilipino na ang pangunahing kinakain ay kanin ay maaapektuhan. Wala nang murang bigas na naaasahan ang mahihirap nating kababayan.

Sabi nga ng namumuno sa PCAFI na si Danilo Fausto, kawawa ang mga magsasaka na mahaharap sa hindi patas na kompetisyon. Karaniwan sa mga magsasaka ang walang ibang alam na kabuhayan kundi ang pagsasaka. Saan sila daramputin?

Isa pang dapat isipin ay ang pagbaba ng pandaigdig na supply ng bigas dahil sa climate change. Pababa nang pababa ang supply ng pagkain dahil sa bantang ito. Kung mapababayaan ang sarili nating food production, marami ang magdaranas ng gutom.

Siyempre kapag umunti ang supply ng bigas sa daigdig, uunahin muna ng mga bansa ang sariling pangangailangan bago mag-export sa ibang bansa. Huwag sanang pabayaan ng gobyerno ang sarili nating rice industry at huwag maglubay sa pagsuporta sa mga magsasaka.

vuukle comment

RICE TARIFFICATION ACT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with