^

PSN Opinyon

Disqualification sa Cayetano couple

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PANAHON ng eleksyon kung kaya asahan natin ang mga hakbang para ang mga kandidato ay maghanap ng butas sa bawat isa.

Sa kaso ng mag-asawang Alan Peter at Lani Caye­tano, kapwa sila tumatakbong Kinatawan ng dalawang magkahiwalay na distrito sa Taguig City. Napapataas ng kilay ang marami.

Bakit magkahiwalay ang distrito ng mag-asawa? Hindi ba sila nagsasama sa iisang bahay? Sisimulan nang dinggin ng Commission on Elections ang kaso laban sa mag-asawa na tungkol sa isang petisyon na kanselahin ang certificate of candidacy ng mag-asawa dahil sa na­silip na anomalya.

Ang petisyon ay iniharap nina Atty. Emil Maranon III at Leonides Bulac, Jr. na kumukuwestyon sa nilalaman ng kanilang COC.

Wala raw nakasaad na petsa kung kailan lumipat si Lani sa Two Serendra sa Fort Bonifacio. Maaaring techni­cally, walang  irregular sa ginawa ni Mrs. Cayetano sa pag­­hahain ng COC kung may anim na buwan na siyang naninirahan sa kanyang bagong bahay. Definitely, kuwa­lipikado siyang kumandidato bilang kinatawan ng naka­sa­sakop sa kanyang distrito.

Ngunit ang tanong, ano ang motibo niya sa paghiwalay ng tahanan sa asawa niyang si Alan Peter? Hindi naman sila nagkalamigan sa isa’t isa. Malinaw para lusu­tan ang alituntunin sa pagkandidato, at wala na akong ma­silip na ibang dahilan. At kung iisipin, bakit ang mag-asawang parehong opisyal ng pamahalaan ay maghihiwalay para ang isa ay tumira sa isang single-bedroom na condo unit?

Hindi ko alam kung may probisyon sa alituntunin ng halalan na nagbabawal sa ganitong siste. Kung wala, dapat sigurong amyendahan ang batas.

vuukle comment

ALAN PETER

LANI CAYE­TANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with