^

PSN Opinyon

Escort with a fee?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SIGURO dapat ipabusisi ni PNP Aviation Security Group Director Joel Orduna, ang ilang tauhan nitong walang ginawa kundi ang sumalubong ng mga  ‘Japanese nationals’ sa NAIA Terminal 2.

Sabi nga, may pera sa salubong.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakakahiyang tignan ang mga escort na pulis dahil naka-uniporme pa sila kung sumalubong at umalalay.

Ika nga, makikita sila sa labas ng arrival lobby na parang mga ‘langaw’ na pumapatong at nagkukumpulan sa pagkain.

Ang masama rito, sa NAIA T2 parking press ipina­parada pa ang mga vehicles ng kanilang ina­alalayan.

“Ang akala tuloy ng mga nakakakita, salubong ng mga reporters ang mga ‘sakang.’

Take note, General Orduna, baka ikaw ang masira rito sa ginagawa nila.

Sabi nga, command responsibilities.

Abangan.

Sibakan blues

DALAWA sa tatlong top brass official sa Bureau of Immigration SM Aura sattelite office ang tinanggal sa puesto nitong mga nakaraang araw.

Sabi nga, hindi na sila inabot ng Pasko. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pangalan kasi nila ay nabanggit sa ginagawang pagdinig ng mga Senador sa ginagawang pagbusisi tungkol sa pagdami ng mga Chinese nationals na pumasok sa Philippines my Philippines.

PACC, sino eto?

MAY biglaang balasahang nangyari before Christmas day partikular sa Kalibo,  Aklan, na mga BI supervisors at immigration officers.

Sabi nga, nag-iiyakan ang ilang ayaw magpa- transfer lalo na ang ilang taga - Kalibo. Hehehe!

Samantala, sinisilip ang isang mangungulimbat na taga BI na bumili ng brand new na mamahaling Raptor pick-up vehicle at isang mamahaling motorsiklo.

Marami ang nagtataka kung saan ito kumukuha ng pera lalo’t wala namang overtime pay na tinatanggap ang mga immigration employees.

Paging PACC Prez Greco Belgica,  busisiin ito.

Abangan.

vuukle comment

JAPANESE NATIONALS

JOEL ORDUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with