^

PSN Opinyon

BI E-Gates operations, go na sa NAIA T3

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SINIMULAN na yesterday ng Bureau of Immigration ang operasyon ng bagong Electronic Gates System o E-Gates, sa NAIA Terminal 3, para lalo pang mapabilis ang pagproseso ng  mga ‘Filipino only’ arriving passengers lalo’t ngayon dagsa ang mga pasaherong darating sa NAIA dahil sa Christmas season.

Ipinagmalaki ni BI Ports Operation Division chief Marc Red Marinas, na ito ang maagang regalo ni Boss Digong para sa madlang Pinoy na umuuwi ng Philippines my Philippines ang mas pinabilis na proseso sa immigration counters para maiwasan ang mahabang pila lalo’t para­ting na ang mga balikbayan, turista at mga banyagang gustong makita ang mga magagandang lugar sa atin.

Ikinagalak ng mga arriving Pinoy passengers sakay ng eroplanong Cathay Pacific flight CX-901 galing Hongkong ang mabilis na paglabas nila ng immigration counters.

 Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pina­ngunahan nina Marinas at POD deputy Julius Caezar Feria II, ang first day ng E-Gates operations kabilang ang  BI-NAIA Travel Control Enforcement Unit (TCEU) head Erwin Ortanez, TCEU NAIA terminal 3 at 2 chiefs Glenn Comia at Danieve Binsol, mga head terminals assistants, Fidel Mendoza, intel chief Dong Castillo, immigration officer Rose Perez at Airport Operations Section chief of staff Vincent Bryan Allas, na nagtulong-tulong para asistihan ang mga ‘Pinoy only’ arriving passengers na first time na gagamit ng E-Gates.

 Ibinida ni Binsol, ang E-Gates sa una ay gagamitin ng mga Pinoy passengers na may readable passports. Ang mga senior citizen at iba pang mga may kapansanan na Pinoy passengers na naka-wheelchairs ay kaila­ngang dumaan sa regular immigration counter para doon maproseso ang kanilang mga passports.

 Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Nilagyan ng mga modernong mga tampok ng seguridad tulad ng facial re­cognition, biometric scan, bar code reading at smart card recognition na pinagsama sa isang sistema.

Sinabi ni Marinas, ang mga modernong ‘E-Gates’ ay nagbibigay ng speedier passenger processing at mapahusay ang kakayahan ng BI upang matukoy o tuklasin ang mga biyahero na may derogatory records, kabilang ang mga wanted fugitives, at ang mga pasaherong nasa immigration blacklist, watchlist at hold-departure list.

Sa pamamagitan ng ‘E-Gates’ sa lugar, isang pasahero lang ang pupunta diretso sa machine sa harap ng pinto salamin, ilalagay ng kanyang boarding pass at pagkatapos ang kanyang passport, ang bilang nang flight at passport details ay babasahin ng makina.

Sa sandaling tapos na, bubukas ang pintong salamin at ang pasahero ay haharap sa isa pang makina para magpakuha ng facial recognition at biometrics data.

Aantayin ng pasahero ang instruction ng makina at ilalagay nito ang kanyang hintuturo sa itinalagang slot at pagkatapos nito, ang susunod na machine ay maglalabas ng isang sticker stamp kailangan kunin ito ng pasahero at i-attach sa kanyang passport bilang arrival stamp.

Kung ang nababahalang pasahero ay may problema tulad ng derogatory records o depektibong dokumento, ang mga pintong sinasabi natin ay hindi magbubukas. Sa halip, ang isang kulay dilaw na ilaw at may signal na lalabas dito.

Isang BI supervisor ang lalapit sa pasahero para tignan ang kanyang mga dokumento sa opisina nito.

Sinabi ni Marinas, na kailangan huwag itapon ng Pinoy passenger ang kanyang departure boarding pass na ibinibigay ng airlines dahil importante ito at gagamitin sa E-Gates.

Sabi nga, ang E-Gates ay hightech machine!

NAIA TERMINAL 3

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with