^

PSN Opinyon

Bagong hamon

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

PATUNG-PATONG na ang kontrobersyang kinasasangkutan ni Party-List Representative “Viral” John Bertiz III ng ACTS-OFW. Bugbog na rin ang ating mga congressman. Kasunod ng pagkabuko sa National Budget ng iskandalosong mahigit P50 billion na proyekto na “pina-parking” lang sa mga distrito ng masusuwerteng kongresista, tila palala nang palala ang kanilang imahe. 

Heto pa ang isang pahabol na bahid sa reputasyon ng Kongreso: Jovito Palparan na ngayo’y nakapiit na rin sa Bilibid prison. Heneral kung maturingan dahil ito ang kanyang rank nang mangyari ang mga krimeng isinisisi sa kanya. Subalit hindi sa military ang pinakamataas nitong puwesto. Si Palparan ay dati ring miyembro ng Kongreso bilang kinatawan ng Party-List group na Bantay.  

Sigurado tayong hindi ito ang inaasahan ni Rep. Gloria Macapagal Arroyo na sasalubong sa kanya sa pag-akyat niya sa puwesto ng Speaker ng mababang kapulungan. Todo kilos pa man din ang dating Pangulo upang maiangat ang reputasyon ng House. Hindi biro ang kanyang karanasan sa pinakamatataas na antas ng pamahalaan. Hindi rin pipitsugin ang support staff na bitbit nito sa pamamahala. Nakaamba na sana ang House na umarangkada ng husto kung saan tatangayin ng lideratong Arroyo.

Pero ang dinatnan ay hetong walang patid na dagok na magiging malaki ring pagsubok sa kanyang liderato. Hearing lang ng Committee on Ethics ang katapat ng sakit ng ulong hatid ni Cong. Bertiz. Madaliang talakayan at, malamang, mapapatawan ito ng agarang disiplina. Isang pagmando lamang ng Speaker at tapos na iyan.

Ang mas matinding pagsubok ay kung papaano haharapin ang problema ng bilyun-bilyong pondo na nadatnang “ipinarada” sa ilang mga “anak ng diyos” na distrito sa bansa. Walang ibang paliwanag ito kung hindi ang pakikipagkuntsaba ng maraming opisyal, maging ang mga taga-ibang kagawaran ng administrasyon.

Siguradong magiging interesante ang nalalabing ilang buwan ng termino ni Speaker Macapagal Arroyo. Marami ang nakamasid sa kung papaano sosolusyonan ng bati­kang opisyal ang isa na namang grabeng hamon sa kan­yang kakayahan.  

vuukle comment

JOHN BERTIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with